Queen.
Tumigil siya ng bahagya at dahan-dahang tumango.
"S-sis...."
Kumirot ang puso ko sa ginawang pagtawag sakin ni Queen. Para bang lahat ng pag-aalala, inis at awa ay nagsama-sama na lahat sa dibdib ko.
Naiiling akong lumapit sa kanya at agad siyang binatukan ng mahina.
"Baliw ka talaga Queen nu?! Life is too short! Bakit ka ba nagmamadali?! Mamamatay ka din naman soon eh! wag ka naman masyadong excited Queen..." sermon ko sa kanya.
Nagulat siya sa naging reaksyon ko, kaya kumunot ang noo ko.
"Anong akala mo hah yayakapin kita?!" asik ko sa kanya.
Pero imbis na sumagot ay hinawakan niya ang pisngi ko at tila ba may pinahid.
"B-bakit ka umiiyak?" Sabay pakita sakin ng kamay niyang nangingintab.
"BALIW! SINONG TATAWA SA GANITONG SITWASYON HA-" Potek! Di ko un napansin ah! Di ko na natapos ang pagwawala ko ng muli siyang tumungo at humikbi
"C-Charyn...huhuhu" mahinang paghikbi ni Queen.
Hindi ko na kinaya ang nakikita ko, kaya mahigpit ko siyang niyakap at pinatahan.
"Sshh... tama na Queen... Tigilan mo na ang pag-iyak mo, ampangit-pangit mo na kaya." mahinahon kong pagkakasabi habang hinahaplos ang likod niya na patuloy sa paggalaw dahil sa paghikbi.
Tiningnan ko sila ate Rosa at sininyasan silang lumabas muna. Agad naman silang lumabas saka ko inangat sa pagkakayuko ang ulo ni Queen.
"Anong nangyare at gusto mo ng mamatay?" seryoso kong tanong sa kanya.
Bigla niya ulit akong niyakap at humagulhol.
"HUHUHU! PINAASA NIYA AKO*iyak*CHARYN! *iyakulit*PINAGLARUAN AT*iyakpa* At GINAMIT!!! tama ka... WALA SIYANG KWENTA!!!! *iyaknanaman*" magulo niyang paliwanag habang umiiyak.
Nung una di ko nagets, kaya di ako nagreact. Maya-mayay tumigil na siya sa pag-iyak at nagtatakang tumingin sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay, Saka nagsink-in sa utak ko yung mga sinabi niya.
"...PINAASA NIYA AKO CHARYN! PINAGLARUAN AT... At GINAMIT!!! tama ka... WALA SIYANG KWENTA!!!!
"...PINAASA NIYA AKO CHARYN! PINAGLARUAN AT... At GINAMIT!!! tama ka... WALA SIYANG KWENTA!!!!
"...PINAASA NIYA AKO CHARYN! PINAGLARUAN AT... At GINAMIT!!! tama ka... WALA SIYANG KWENTA!!!!
Patuloy na nagpaulit-ulit sa utak ko yung sinabi ni Queen at BOOM! sumabog ako.
''ANOOOO???!!!!! GINAGO KA NUNG PRINCE NA YUNNN??!!!!"