Chapter 16

59 0 0
                                    

"Goodnight Eli... Elizabeth"

"Argh!" naiinis akong bumangon mula sa tinulugan kong sofa ng biglang sumingit nanaman sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

Hindi ko na nagawang hanapin ang sinasabi niyang 'guest room' na kwarto 'ko' raw, dahil malamang sa malamang nasa taas yun at wala na kong lakas pa para maglakad. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko parang binawian ako ng lakas nung tinawag niya ako sa ibang pangalan. Hindi naman sa affected ako, pero kasi... BASTA!

Hindi rin ako halos nakatulog buong magdamag. Ang daming tumatakbo sa ulo ko, wala naman akong kuto.

Tsk!

Wala pang isang araw na nakakasama ko siya ay nawawala na agad ako sa focus at yun ang hindi pwedeng mangyari! Cannot be! Para kasing may mali at hindi ako matatahimik hangga't di ko natutukoy yung mali na kahapon pa bumabagabag sa buong sistema ko.

Oo pagod at gutom ako nung mga time na un pero sure ako at sure na sure ako na tinawag niya akong Elizabeth...

"at hindi maaring magkamali ang tainga ko..." bulong ko sa sarili ko.

At sa laki at dami ng tao sa mundo eh dalawa lang naman ang kilala kong Elizabeth. Well, tatlo pala.

Si Queen Elizabeth I, Si Queen Elizabeth II at si Queen Elizabeth...

Linel...

May hindi sinabi sa 'kin si Queen!

Hindi kaya....

"Pero Impossible... Huwag kang assuming Queen, maraming Elizabeth sa mundo nuh!" singhal ko ng biglang nagflash sa utak ko ang ngising-ngisi mukha ni Queen.

Tama hindi lang si Queen ang Elizabeth pero...

Kung si Queen nga iyon at kung talagang minahal niya nga si Queen, hindi niya 'to dapat sinaktan. Edi sana hindi nagsuicide si Tanga. Edi sana wala ako rito! Edi sana hindi sumasakit ang ulo ko!

May mali talaga! Hayyyyy buhayyyy! Lagot ka sa 'kin mamaya Queen!

Pabagsak akong humiga ulit sa sofa habang nakasabunot sa buhok ko. Oo mahilig ako sa mystery at kung anu-ano pang mga puzzle nung bata pa ako kasi nga doon ako magaling pero ito... hayyyyy, Ewan talaga! parang mababaliw ako!

"Ano ba 'tong pinasok ko?" mariin akong pumikit habang bumubulong.

Ngayon parang nagsisisi na 'ko sa pinaggagagawa ko. Ang tahimik ng buhay ko sa Quezon. Although medyo boring wala namang stress, isipin at sariwa pa hangin dun. Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang aking sarili.

Kasabay ng pagkalma ko ang pagsagi sa isip ko ng mga magulang ko.

Si Mama at Papa.

Nakaramdam nanaman ako ng lungkot at guilty. Naalala ko ng dahil din sa tigas ng ulo ko kung bakit nawala ang mga magulang ko, kung bakit nag-iisa nalang ako, kung bakit malungkot ako ngayon...

Naputol ang iniisip ko ng biglang may nag-ring.

Awtomatiko akong napatingin sa pinaggalingan ng tunog at nanlaki ang mga mata ko kasabay ng mabilis na pagtakbo ng puso ko ng mapagtantong galing sa cellphone ni Raniel ang tunog.

"Sorry... did I interrupt you?" seryoso nitong tanong sabay balik sa bulsa ng di niya sinagot na tawag.

"K-kanina ka pa ba dyan?!" nagnginginig kong tanong.

Hayyy! Bakit ba ko kinakabahan?!

"Chill, sakto lang dun sa... ehem.. Ano ba itong pinasok ko?... then the rest is you know..." panggagaya niya sa boses at facial expression ko kanina.

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon