Chapter 6

168 4 0
                                    

Queen.

Pagkasabing-pagkasabi ni ate Rosa sa nangyari kay Queen ay hindi na ako nag-abala pang magreact sa kanya.

Pumasok na ako ng kwarto at nagbihis ng kung ano nalang nakuha ko.

Hindi na rin ako nag-abalang mag-ayos ng sarili. Dumiretso na ko sa gate ng mga Linel at sumakay sa naghihintay saking sasakyan.

"Ma'am Charyna ito po suklay oh" si ate Rosa.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko Hindi ko na napansing bukod kay Manong Tomas yung driver, ay may iba pa pala akong kasama.

"Ma'am wag po kayong mag-alala, stable na daw po ang lagay ni Ma'am Elizabeth." mahinahon na pagkakasabi ni Ate Rosa.

Napabuga ako ng isang malalim at mahabang buntong-hininga. Kahit papano naibsan ang pag-aalala ko at gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko maitatanggi na kahit lagi kong binibwisit at pinapaiyak si Queen ay napamahal na yun sakin at importante siya para sakin.

Sa loob ng limang taon na lumipas ay siya na ang tinuring kong pamilya at kaibigan.

"Matanong ko lang ate Rosa, Bakit hindi ako tinawagan o tinext man lang ni Daddy tungkol dito?" nagtataka kong tanong.

Nakakapagtaka Lang, usually pag may mga emergency sa pamilya, ako ang unang pinagsasabihan ni Daddy.

"Ahm... Ma'am, ang totoo po kasi niyan sabi ni Sir wag daw sabihin sayo ang dahilan. Kapag di ka daw po pumayag- wag kang pipilitin."

I see. Si Dad Angeoo talaga.. sa kabila ng nangyari kay Queen, kapakanan ko parin ang iniisip.

Hindi na ko nagtanong pa kay Ate Rosa. Isinaksak ko nalang ang earphone sa tainga ko at ipinikit ang aking mga mata.

Ayokong makita ang dinadaanan namin...

Makalipas ang limang makapagpigil-hiningang byahe ay sa wakas nakarating na ko ng Maynila.

Matagal kong pinangarap makapunta dito nung bata pa ako, pero nung nakalipas na limang taon ay binago ko na yung pangarap na yun at nangakong hindi kailanman tatapak dito.

Pero ano? Andito lang naman ako ngayon sa Maynila, sa tapat lang naman ng isang mataas na hospital.

On the second thought...

'Nakakainis ka talaga Queen kahit kelan'

Malalaking hakbang ang ginawa ko papasok ng hindi-ko-alam-ang-pangalan hospital.

"Ma'am 12 floor po tayo, room 106." alinlangan na pagkakasabi ni Ate Rosa.

Madali kong tinungo ang malapit na elevator at kaagad pumasok dito kasabay ang apat ko pang kasama.

Pinindot ko ang button 12 at maya-maya pa'y bumukas ito at dali-dali akong humakbang palabas.

"Ma'am kaliwa po."-ate Rosa

Malalaking hakbang ulit ang ginawa ko ng matanaw ko na ang room niya pero bago pa man ako makalapit ay bumukas ang pinto nito at iniluwa ang isang PRINSIPE! I mean mukang prinsipe sa kakisigan at kagwapohang taglay nito.

Pero bakit parang may konting tubig siya sa mata? Umiiyak ba siya?

Dire-diretso siyang naglakad habang pinupunasan ang mata at niligpasan ako...

Grabe. Pangit ba ako at hindi man lang niya ako napansin? Minsan lang ako humanga sa lalaki tapos deadma pa.

Owshit si Queen nga pala!

Nasa tapat na kami ng kwarto ni Queen pero bago ako pumasok ay marahan ko munang hinawakan ang baba ko at dinama kong may laway bang tumulo dito.

and Yeahboy! wala! Di ako naglaway sa kanya! haha

Marahan kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng ang tumambad sakin ay isang pulubi at hindi si Queen.

"Hoy pulubi! Nasan si Queen? bakit ikaw ang nakahiga dyan? Ilabas mo siya kung ayaw mong malintik-"

"WAAAAHHHHH!!" Pinutol ako ng malakas na pagkakasigaw ni pulubi.

Ay bastos! Di pa ko tapos magspeech eh.

Patuloy ang maingay niyang pag-iyak ng maramdaman kong may kumalabit sakin.

"Ma'am s-seryoso po kayo?" alanganing tanong ni Ate Rosa.

At dahil naalala kong badtrip nga pala ako ay pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"E-eh Ma'am Charyna si Ma'am Elizabeth na po yan."

Lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at muling nilingon ang maingay na pulubi at mataman tong tinitigan. Pinaliit ko pa ng konti yung mga mata ko para epic.

HALA! Si QUEEN nga!

"Queen, ikaw yan?" paniniguro ko.

at ang ganda ng sagot niya..

"WAAAAHHHHH!!!!!"

Take note: lalong pang lumakas.

"ANYARE QUEEN!?" gulat ko paring tanong.

Grabe naman kasi! ang laki ng pinagbago niya. Dalawang araw lang kami di nagkita tapos ganito agad?!

Ang laki ng mga bagahe niya sa mata tapos sobrang itim pa. Sabog at gulo-gulo din ang full bangs at buhok niya. Yung labi naman niya, sobrang putla, parang ginawang tubig yung suka. Tapos ung pisngi niya punom-puno ng natuyo at bagong luha. IN SHORT MUKA TALAGA SIYANG PULUBI!

Tumigil siya ng bahagya at dahan-dahang tumango.

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon