Chapter 12

79 0 0
                                        

"By the way I'm Raniel"
 
Hindi ako makapaniwala.

This can't be!

Siya, at yung nanloko kay Queen at yung nakita ko kanina sa ospital iisa?!

Siya si Prince?!

Bakit?

Ang daya. Crush ko pa naman din siya. Tsk! Pero ngayon HINDI NA!

Bumalik ang nawalay kong diwa ng tumikhim siya.

"Ayaw ko sa lahat yung mga natutulala sakin" seryoso niyang pagkakasabi at binawi ang kamay na nakalahad sakin kanina.

Awtomatikong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya dahilan para uminit ang pisngi ko.

"Seryoso ka?!" mataray kong tanong habang nakatitig parin sa mga mata niya.

Ang yabang kasi ng dating sakin pero hindi naman siya mukang nagyayabang.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at diretsyong tumingin sa mga mata ko.

"Miss--?"

"Maria... Maria!" nag-aalangan kong sagot.

Saka na ko magpapakilala ng maayos pag nakarating na kami sa bahay niya.

"Miss Maria. Seryoso ako"

Napalunok ako sa klase ng pagtitig niya at agad umiwas. Dahan-dahan naman siyang lumapit sakin na ikinabigla ko.

"HEP! A-anong gagawin mo?!" pigil ko sa kanya habang nakaharang ang dalawa kong kamay sa dibdib.

Sheet! Hahalikan niya ba ako? Ano ako sinuswerte?!

"Relax..." sabay taas sa hawak niya "For your safety, I guess?"

Whoo! Medyo Assumera se-seatbelt-an lang pala ako.
 
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang na siyang lumayo sakin.

Phew! For the first time in my life natameme ako. Para siyang may suot na shield, hindi ko mabara. Hindi ako makahanap ng magandang line na babagay sa attitude niya. Actually naguguluhan na ko sa ugali niya. Oo, kwento sakin ni Queen mabait to. Pero diba? Niloko siya nito. Hay ang gulo! Parang may mali.

Muli siyang tumingin sa harapan niya at in-start na yung sasakyan.

Tahimik siyang nagdrive at mayat maya sumusulyap sa suot niyang relo.

Pilit ko namang iniiwasang magawi ang mga mata ko sa kanya baka sabihin pa nito patay na patay ako sa kanya kaya napagpasyahan kong libangin nalang ang sarili sa pagtingin sa labas.

Nanibago naman ako sa mga nakikita ko saka ko lang ulit napagtantong nasa Maynila na nga pala ako.

Biglang nakaramdam ako ng lungkot, sakit at pagsisisi at agad napahawak sa dibdib ko. Pinakiramdam ko ang pagtibok ng puso ko... buhay ako.

"Kumain ka na ba Maria?" pagbasag niya sa katahimikan at saglit akong tiningnan.

Napasulyap din ako sa kanya at agad na umiling.

"Umiiyak ka ba?" kunot-noo niyang tanong.

"Huh? Hindi ahh!"

"Eh ano to--"

Agad akong napaiwas ng akma niyang hahawakan ang pisngi ko.

"Wala to! N-nagugutom lang ako" mabilis kong tanggi at agad pinunasan ang basa ko ngang pisngi.

Muli siyang sumulyap sakin at tumawa ng mahina.

"Ganyan ka kapag nagugutom?"

"OO. Bakit, bawal?" mataray kong sagot at inirapan siya.

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon