Chapter 13

84 1 3
                                    

Charyna's POV

"Charyna! your here Finally... Where have you been?" Salubong sakin ni Daddy.

Halata sa mukha niya ang konting pagkagulat at maraming pag-aalala. As expected, Alam kong hindi niya ako papagalitan kahit sermon wala.

Ewan, kahit ano naman atang kalokohang gawin ko sa buhay, he will always be like that... calm and concern.

"Sorry Daddy I just--"

"No Its Okay! I shouldn't have brought you here... I know its hard for you--"

"Hindi Daddy! ahm... Okay lang po talaga. Si Queen po?" pagbabago ko sa usapan.

Knowing Daddy Angelo, hindi siya titigil hanggat alam niyang hindi ako komportable. Masyado siyang devoted sa pagiging "tatay" ko. He always make sure that I'm in a good place, good situation and even in good hands. Para ngang ako pa minsan yung totoong anak. Siguro kung oportunista at muka akong pera malamang wala ng mamanahin si Queen.

Buti nalang bully lang ako.

"She's fine. Don't worry you can go home tomorrow if--"

"No Dad!" pagputol ko "Ahm... dito po muna ako... ng mga ilang linggo?" mapakla at alanganin kong tanong.

"Charyna..."

"Dito po muna ako" sigurado kong pag-uulit.

Bakas sa mga mata ni Daddy ang pagtataka. Marahan akong lumapit sa kanya at yumakap.

"Wag po kayong mag-alala sa 'kin, okay po ako... babantayan ko po si Queen"

"Are you sure about this? Paano ang pag-aaral mo sa Quezon?"

"Opo... Magagawan niyo naman po ng paraan diba? Sige na po let me stay here with Queen"

"You don't have to do this Charyna... Alam kong napilitan ka lang dito pumunta" seryoso niyang pagkakasabi.

Napayuko ako at nagpakawala ng isang mahabang hangin.

"Well if that's what you really want. You can stay sa katabing unit ni Elizabeth" Half smile na sagot ni Daddy.

Agad akong napatingala at nabuhayan sa sinabi niya.

"Pwede po bang dun nalang ako kay Queen?"

Pinagtaasan ako ng kilay ni Daddy. Alam niya kasing asar ako minsan kay Queen dahil sa kaingayang taglay ng anak niya.

"Baka po kasi maisipan nanaman niyang mag suicide" pabiro kong pagkakasabi.

Tumawa lang si Daddy at hinayaan na kong pumasok sa kwarto ni Queen.

Pagkabukas ko ng pintuan ay mukha agad niya ang nakita ko.

"Ahh nakikinig?" mataray kong tanong sa kanya.

"Hindi nanonood"

"Ahh sumasagot?"

"Hindi! Hindi talaga"

"Ahh gustong masaktan..."

"Eeehhh! Charyn ano ba kasing nangyari? Bakit ang tagal-tagal mo? Anong ginawa mo kay Prince ko?!" pasigaw niyang bulong sakin.

Tsk daming tanong.

"Pinatay ko na" baliwalang sagot ko.

"WHAT?!"

"Bakit may angal?"

"DINGA?!" oa niyang tanong.

"Wag mo kong ma-di nga-di nga dyan! seryoso ako"

Bigla siyang napaupo sa kama niya at madrama akong tiningnan.

"Seriously naniwala ka?" natatawa kong tanong. "Kaya ka naloloko eh, masyado kang uto-uto"

Hindi siya nagreact at patuloy akong tiningnan. Nilapitan ko siya at kinalabit.

"Hoy! ang drama mo. As if naman kaya kung pumatay nu! Kung kaya ko edi sana inuna na kita" paliwanag ko ng makita kong umiiyak na pala siya.

Pinahid niya ang luha niya at tumingin sa bintana.

"Akala ko pa naman kaya mo..." mahina at nakangisi niyang pagkakasabi.

kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong. "Are you telling me na dapat pinatay ko talaga siya? Ini-expect mong gagawin ko yun para sayo?!"

Muling siyang tumingin sa dereksyon ko at ngumiti ng mapait.

"Oo"

Nagulat ako sa sinagot niya kaya naman pinatikim ko siya ng isang malutong na pitik sa noo.

"Baliw ka ba?!" bulyaw ko at sa ulo ko naman siya pinitik "Ano ako tanga kagaya mo?!"

Akma akong tatalikod para sana lumabas ng hawakan niya ang braso ko.

"Charyna..." Hikbi niyang pagkakasabi.

Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit inis na inis ako sa kanya ay nangingibabaw parin ang awa ko.

"Sinaktan niya ako... siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon... Hindi na ko makakapasok kasi siniraan niya ako sa School..." malumanay at galit niyang pagkakasabi.

Tinanggal ko ang kamay niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto niya.

Nagulat ako sa mga sinabi ni Queen. Hindi ako makapaniwala na kaya yung gawin ni Raniel. Oo ngat hindi ko pa siya kilala pero base sa pakikitungo niya sakin kanina... parang imposible yung mga sinabi ni Queen.

Pero naniniwala ako kay Queen...

Kaya Nakapagdesisyon na ako. Ngayon sigurado na ako. Tuloy ang plano ko....

Papahirapan ko siya habang pinagsisilbihan.

Sisiguraduhin kong matitikman niya lahat ng panloloko at sakit na ibinigay niya kay Queen.

Ipapakita ko sa kanya kung paano ako magsilbi sa isang Prinsipe.

Igagawad ko sa kanya ang parusa sa katulad niyang mapang-abusong Prinsipe.

Lumabas ako ng Ospital at pinuntahan si Mang Tomas na nakasakay pa rin sa Van.

"Mang Tomas... Balik niyo po ako dun."

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon