Matagumpay akong tumawa ng tingnan ko ang natapos ko ng plano. "Whaha! No sweat. Thirty minutes ko lang ginawa"
Mukha siyang 'How to kill' pero hindi. Siguradong hindi niya 'to ikamamatay.
Lalong akong natawa sa huli kong naisip. Bigla ko tuloy naalala yung Mission Possible ko dati kay Queen. Isang linggo niya rin yung iniyakan. At syempre isang buwan ko siyang pinagtawanan. Haha.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagto-throwback ng biglang may kumatok. Agad akong napatingin sa suot kong relo at nagtatakang tiningnan ang pintuan.
"Hindi siya uuwi diba?" wala sa sariling naitanong ko.
Hinintay kong may kumatok ulit pero ilang sandali na ang nakakalipas ay nanatiling tahimik ang pinto. Di ko nalang ito pinansin baka mga walang magawang kapitbahay lang at muli kong ibinalik ang pansin sa nabuo kong plano. Madrama kong pinirmahan ang nakalaang espasyo para sa maganda at importante kong pirma. "Oh wel--" Ngunit Hindi ko pa natatapos ang pagpirma ng biglang may kumatok nanaman.
This time Hindi lang basta katok, parang gustong ng sirain ang pinto!
Agad akong nakaramdam ng takot at mabilis na hinagilap ang cellphone ko.
"A-Angel of God my guardian dear... yun pong Cellphone ko asan n-na?..." mahina kong naiusal ng bigla nanamang kumalabog ang pinto.
Siguro kung sa Quezon mangyayari sa 'kin ang ganito baka hinamon ko na ng suntukan ang epal na kumakatok pero Hindi! Una, nandito ako sa Maynila. Pangalawa, nasa bahay ako ng kalaban at hindi ko alam kung ano ba talaga likaw ng bituka nung Prince na yun! At pangatlo......
Nanginig ang kaliwa kong mata kasabay ng pagbagsak ng aking balikat.
...LOWBAT AKO!
Palakas ng palakas ang mga katok at nagtataka na ko kung bakit wala man lang sumisita sa epal na kumakatok.
"Potek na malagkit! Wala ba ritong CCTV camera?!" mahina kong bulong sa sarili ko at aligagang naghanap ng pwedeng pamalo kung sakaling masira niya ang pinto.
Mabilis akong tumakbo sa kusina ni Raniel para lang madatnan ang iilang eating utensils.
"Mang Tomas naman oh! Bahay ba talaga to?! Ba't walang kutsilyo?!" frustrated kong naisigaw sa mga babasaging baso, pinggan at iilang mga kutsara at tinidor.
Nagmamadali akong bumalik sa sala ng walang napala sa kusina. Hindi pa rin tumitigil ang pagkatok.
"Hala! Hala! What to do?" natataranta ko ng tanong sa 'king sarili ng biglang may marinig akong tila tunog bumbilya sa ulo ko.
*Ting!*
Nakaramdam ako ng pag-asa at Mabilis na pinuntahan ang dala kong bag at walang pakundangan itong itinaktak.
Nagningning ang dalawa kong mga mata ng makita ang aking pakay.
"Yes! My Hero--" naputol ang pagpapakilala ko sa hawak kong sandata ng biglang tumahimik.
Isang minuto ang lumipas at tahimik pa rin.
"Inhale~ exhale. Inhale~ exhale." Pilit kong pinakalma ang sarili ko habang dahan-dahang lumalapit sa pinto kasabay ng paghigpit ko sa hawak kong pepper spray.
Oo lage akong may dalang pepper spray. Pamatay ng mga epal.
Hinawakan ko ang doorknob at maingat na inilapit ang aking mata sa maliit na butas. Pero bago ko pa man ito mailapit ng maigi ay bigla nanamang may kumatok.