Charyna's POV
"Are you sure?" takang tanong niya.
"Hah? Oo naman bakit bawal ba?"
"I mean... ng ganyan ang ayos?" nakataas kilay naman na tanong niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Tiningnan ko rin ang sarili ko.
Mali bang nakaplain white T-shirt ako tapos faded jeans plus highcut converse?
"Di ba MAID ang sabi mo--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang tumili at nagtatalon.
"Uwaaaahhhh! Andyan na si Prince!" sabay turo sa paparating na itim na sasakyan.
Tiningnan ko rin ang tinuro niya at nadisappoint ng makitang tinted ang sasakyan.
"Prince! Prince! Its me Leah ang bago mong maid! Eeeiiihhh! Kinikilig ako! tumingin siya sakin!!"
Halos mabingi ako sa pagwawala ni Leah-yan ata pangalan niya ng dumaan sa harapan namin ang itim na sasakyan.
As if naman naririnig ka niyan! Boba! Baka nga pinagtatawanan ka niyan sa loob! ngalay-ngalay kong isigaw sa pagmumuka ni Leah.
"Wait Prince I'm coming!" madramang bigkas ni Leah at dali-daling tumakbo papuntang gate.
Sinundan ko lang siya at nanatili sa likod niya.
"Hello manong guard. Applicants po para kay Prince" magiliw niyang bati sa dalawang guard na tila katatapos lang makipag-usap sa radyo.
"Sorry po ma'am pero hindi na daw po tumatanggap ng aplikante--"
"WHAT?! Are you sure Manong?! W-wait.. don't tell me... may nakuha na? P-pero kapapasok lang niya diba?!"
"Wala ma'am. Hindi na daw po kasi naghahanap ng bagong katulong si Si--"
"HINDI PWEDE! KAILANGAN KONG PUMASOK! TABI! BI... TI... WAN MO KO MANONG! A---ANO BA! Aiissshhh!"
Grabe! ngayon lang ako nakita ng sapilitang pag-aapply bilang katulong.
"Ma'am wag na po kayong makulit. Hindi na po talaga kailangan ng katulong" naiinis na tugon ni manong at pinagpatuloy ang pagsasara ng malaking gate.
"Wait kuya!" pigil ko.
"Ma'am Hindi na--"
"Hindi ako mag-aapply. Pwede ko po bang makausap ang-- s-si PRINCE?" labas sa ilong kong tanong.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Leah at ang nagtatakang muka ni Kuyang Guard.
"May appointment po ba kayo kay Sir?"
"W-wala po-PERO! Impor--"
"Sorry ma'am pero hindi po pwede" at tuluyan ng isinara ang gate at naglakad pabalik sa Guardhouse.
"P-pero KUYA!" wow ha! Hindi siya bastos! NAGSASALITA PA ANG TAO EH!!!!
"Nice try girl... I guess nakakuha na siya ng bagong maid." kibit balikat na sabi ni Leah at tumalikod na para umalis.
Wala pang isang minuto ng pag-alis ni Leah ay nagsilabasan na rin mula sa malaking gate ang MGA babaeng katulad din niya.
Karamihan ay umiiyak at ang iba ay halatang disappointed.
"Ang lokong yun! Hilig magpaiyak! lagot ka sakin... aabangan kita" bulong ko sa sarili ko at nagmartsa pabalik kay mang Tomas.
"Mang Tomas!" tawag ko sa bahagyang nakapikit na matanda.
"Ma'am! tara na po?" tila naalimpungatan na sagot ni mang tomas at dali-daling in-start ang sasakyan.
"Hindi po."
"Ma'am?" gulat na tanong niya.
"Pumunta na lang po muna kayo dun sa nadaanan nating mall kanina at kumain. Ito po" sabay abot ng pera sa matanda.
"Tatawagan ko nalang po kayo pag magpapasundo na ako."
"Bakit po Ma'am?"
Pero imbis na sagutin ay pinagbilinan ko ito.
"At wag na wag mo pong sasagutin ang tawag ni Daddy"
"Pero maam--" tutol ng matanda.
"Wag na Wag niyo pong sasagutin ang tawag ni Daddy." ulit ko.
"Akong bahala" pag-aassure ko kay mang Tomas at tumingin ng seryoso.
"Opo Ma'am. Sige po" laglag balikat na pagsang-ayon ng matanda at minaniobra ang sasakyan at tuluyan ng umalis.
Muli akong napag-isa at liit matang tumingin sa nakasaradong gate.
Ipinorma ko ang kamay ko na parang baril at sinipat ang gate.
"BANG! Your baldheaded Prince" at matagumpay na ngumisi.
Naghanap ako ng pwedeng pagtambayan at paggawan na rin ng plano.
At ang swerte ko! Biniyayaan ako ng isang Bench na malapit lang sa kuta ni Kurimaw at kitang-kita pa ang gate kung saan siya lalabas.
Pagkaupong-pagkaupo ay pinagplanuhan ko na gagawin ko para makalbo ang hinayupak.
Aware ako na muka akong tanga sa ginagawa at gagawin ko... pero kailangan ko talaga tong gawin para sa ikasasaya at ikatatahimik ng buong pagkatao ko.