Chapter 20

18 1 0
                                    

Isang pares ng naniningkit na mga mata ang sumalubong sakin mula sa hagdanan.

Agad ko siyang pinagtaasan ng kilay at aktong lalagpasan nalang ng bigla itong pumihit at nagsalita.

"You look familiar..." anito gamit ang masungit na boses.

Siya rin pamilyar yung boses.

Pero dahil nga hindi pa humuhupa ang takbo ng puso ko at gutom na ako ay hindi ko nalang ito pinansin at dinaluhan ang kanina pa hinahanap ng maingay kong tiyan.

Hmmmm~~ burger... may dala siyang burger! Paborito ko to! Ayos!

Agad ko itong nilantakan pero bago pa man ito tuluyang lumapat sa sabik kong mga labi ay biglang may sumulpot na daliri sa mukha ko.

"And you are?"

Mula kuko ay sunundan ko ang kamay nito hanggang sa umabot sa wirdo nitong mukha.

Nanlalaki ang mga mata nitong singkit habang nakataas ang isang kilay.

"Ba't ganyan ka makatingin?!" bulyaw ko rito.

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat pero mabilis ding tinabunan ng nanliliit naman nitong mga mata na tila ba sinusuri ang buong pagkatao ko.

Naputol lang ito ng biglang nagsalita si Raniel.

"Ron please, wag mo siyang takutin" natatawang saway ni Raniel habang lumalapit sa amin.

Agad kong binawi ang titig kay Raniel ng muli nanamang nagparamdam ang kaba ko.

Kinagat ko nalang ang hawak kong burger at nagkunwaring walang pakialaman sa kanilang dalawa.

"She's different right?" Excited niyang sinabi.

Mabilis ko siyang tinapunan ng nanlilisik kong mga mata pero imbis na matakot at lalo lamang siyang tumawa.

"Anyway, siya si Maria bago kong maid." simpleng sinabi ni Raniel.

"Ah siya pala." Narinig kong bulong ng kasama niya na nakapagpalingon sa akin na agad kong pinagsisihan dahil nasa tabi ko na pala si Raniel.

"Maria, si Veron. Bestfriend ko." At bago pa man ako makareact ay mabilis nitong dinugtungan ang sinabi niya. "And! we are proudly straight so, don't think about it."

Bahagya akong natawa at nagtaka sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang iniisip ko? Ganon ba kahalata sa mukha ko?

"Tss... Defensive?"

"I'm just too sure, ewan ko lang dito ka Veron" natatawang sagot ni Raniel sabay tingin ng makahulugan sa kaibigan niya.

Mataray naman na umirap si Veron at tinalikuran kaming dalawa.

Taray! Hahaha

"Don't mind him, normal niya yun. Ituloy mo na yang pagsubo sa burger mo ang ingay na ng tummy mo e." Maarteng sinabi ni Raniel at saka ko lang naalala ang kawawa kong tiyan.

Agad ko ng kinagat ang masarap na burger at baka may umepal nanaman. Hindi ko na inalok si Raniel at baka lalo lang akong magutom sa kanya, ang bango kasi.

Wala sa sariling napailing ako para mapalis ang amoy niya.

"Ow? Why? Di ba masarap?"

"Mabango!" Wala sa sarili kong nasabi.

"Mabango lang?" Nagtataka niyang tanong na nakapagbalik sa diwa ko. Tiningnan ko siya, medyo nakakunot pa ang noo habang hinihintay ang sagot ko.

"At masarap. Sympre lahat ng burger para sakin masarap at.. mabango!" Natataranta kong sinabi.

Natatawa na parang nagtataka siya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Lumayas ka nga sa harapan ko at nawawalan ako ng gana! Shoo!" Taboy ko dito. Nakakainis kasi yung ngising ngisi niyang mukha sarap sapakin. Nakakaumay!

Humagalpak siya at pagkatapos ay itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko na.

"Okay. I'll leave you na with your mabangong burger." Natatawa parin niyang sinabi.

Bago pa ko makabanat ay tuluyan na siyang umalis sa harapan ko at dinaluhan ang kasama niyang masungit na singkit.

Sa sobrang ganda ng mood niya tingin ko baliwala lahat ng gagawin ko, baka ako lang ang mabwisit.

Siguro dahil dun sa Elizabeth.

Biglang nawalan ako ng gana sa huling naisip. Tiningnan ko ang halos kalahati ng burger.

"Kawawa ka naman. Wag kang mag-alala uubusin kita." Sabay kagat.

"Sinong kausap mo?" Anang masungit na boses.

Sa gulat ay bigla kong nabitawan ang kawawa kong burger.

Mang Tomas!

"Yung burger ko..." Mahina kong impit. Tinitigan ko ang kawawang burger na ngayo'y nasa sahig na. At dahan-dahang nagbilang. "1.. 2... 3.... Ayan, wala na. Hindi na pwede." Pagkatapos ay bumaling sa epal na singkit gamit ang nagbabaga kong mga mata.

"What?" Nalilito niyang tanong.

Lalong nagbaga ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What? Anong what?! Hinulog mo burger ko tapos what lang sasabihin mo?!" Lokong 'to ahh! What daw?!

Mula sa litong expression ay napalitan ito ng natatawang mukha. Yung kaninang maliit na masungit na mga mata ay parang naging guhit nalang na lalo kong ikinainis.

"Wala akong ginawa. Ikaw kaya naghulog." Nakangising sinabi nito.

Nakakainis.

"What the fuck!" Sigaw nito.

"Opss!" Mabilis na humarang sa pagitan namin si Raniel at natatawang hinawakan sa balikat si Singkit. "Kalma lang bro, babae yan." Bulong pa niya.

Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. "Tss." At pagkatapos ay taas kilay at noo with matching pamay-awang sabay flip my hair tapos talikod.

Binatukan ko. Nakakainis eh.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang may dalawa pang burger.

"Raniel, sa kwarto nalang ako kakain. May epal kasi dito." Kinuha ko ang dalawang burger at niyakap ito.

"Raniel?" Nagtatakang singit ni singkit.

Natuon ang tingin niya kay Raniel na tila ba may tinatanong gamit ang mga mata.

Tumingin ako kay Raniel at nangilabot sa uri ng titig nito sa akin.

Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa yakap kong mga burger dahilan para lalo ko itong yakapin.

Lalong lumaki ang ngiti niya sa ginawa ko.

"Hoy singkit! Hoy! Sa kwarto nalang ako kakain. May baliw yata dito." Agaw ko sa atensiyon niya.

Pinalakihan ako nito ng mga mata pero sympre wapakels ako at pumihit na papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pa siyang humalakhak.

Pumasok ako sa kwarto at sinarhan ito.

Masaya siya dahil kay Elizabeth.

Isang realisasyon na tuluyang nagpawala ng gana ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon