Chapter 3

140 2 0
                                    

Prince.

Third Person's POV

Nagmamadali si Raniel na tawagan ang sekretarya ng Daddy niya habang nagmamaneho. Gusto niya na tong makausap sa lalo at madaling panahon.

Ring~Ring ~Ring ~"Hello! Good morning Sir Prince, ano pong kailangan nila?" awtomatiko nitong tanong sa kanya.

Halos magpasalamat naman siya sa lahat ng santo dahil sa mabilis na pagtugon nito sa tawag niya.

"Ate Mon, please kailangan ko po ng bagong maid. " Diretsang sinabi niya.

''HUH?! A-ah sorry Sir Prince... Hindi ko sinasadyang sumigaw. N-nagulat lang ako-"

"Okay lang Ate Mon. I want my new maid. As in now!" desperado na talaga siya.

"Pero Sir-"

"Listen Ate Mon. I know kung gano ka busy at this moment...But please I'm begging you..."

"Sir ano kasi-"

"Please Ate Mon. . . Pleaseee" pagmamakaawa niya.

Mayaman sila at nag-iisa siyang anak, halos ituring na nga siyang Prinsipe ng lahat dahil sa estado niya sa buhay ngunit, hindi katulad ng ibang mayayaman, hindi siya spoiled rich at matapobre. Ayaw niya ng easy-access, mas gusto niyang pinaghihirapan ang isang bagay. Ito ang natutunan niya sa namayapa niyang Yaya na nagpalaki sa kanya. Ito rin ang pagkakakilala ng lahat sa kanya. Kaya hindi kailanman nahirapan ang mga taong nakakasalamuha niya sa labas man o loob ng Condo niya.

Pero sa mga ganitong pagkakataon napipilitan siyang gamitin ang kapagyarihan na meron at dapat na ginagamit niya.

"Ate Mon I'm serious. Get me my new maid." matigas niyang pagkakasabi.

"Okay Sir. Gagawan ko po ng paraan." Mabilis na tugon ng sekretarya. Nahimigan nitong galit na ang Prinsipe nila at bihira yun mangyari kaya't gagawin na niya agad ang hinihingi nito kahit wala pang konsultasyon sa Boss nila na Daddy nito.

Nakahinga na siya ng maluwag at handa na sanang magpasalamat ng magsalitang muli ang nasa kabilang linya.

"Pero Sir ano po bang nangyari? I mean alam ko naman po na madalas kayong magpalit pero bakit po sobrang napaaga yata.?"

Nagtataka ito dahil kadalasan isang buwan at kalahati bago magpalit ang kanilang Prinsipe ng katulong. Ang pagkakatanda niya ay magtatatlong linggo palang ang bagong kuha niya.

"Sorry Ate Mon, pero hindi na po yun importante pa..." ayaw na niyang pag-usapan pa ang nalaman sa katulong niya dahil ayaw na niyang maalala ito. Akala pa naman niya ay iba ito sa mga nauna. Pero ito pala ang pinakamalala.

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon