Chapter 8

167 3 0
                                        

Wanted.

Nagmamadali akong lumabas ng room ni Queen at sinalubong ako ng nag-aalalang muka ni Ate Rosa.

"M-maam! Ano pong nangyari?!" nagtatakang tanong ni ate Rosa. Marahil narinig niya ang pagwawala ko sa loob.

Pero nilagpasan ko lang siya at tuloy-tuloy na naglakad. Pero muli akong tumigil at humarap sa kanila.

"Mang Tomas tara! May kakalbuhin po tayo!" kalmado pero nanginginig sa galit kong pagkakasabi.

Agad tumakbo palapit sakin ang matanda at dali-daling sumabay sa paglalakad ko.

Pagkasakay ko sa sasakyan ay agad kong inabot kay Mang Tomas ang kapirasong papel na naglalaman ng address ng kurimaw na kakalbuhin ko.

Bahagyan kumunot ang noo niya at nagtatakang tumingin sakin.

Tinanguan ko lang siya at pinaandar na niya ang sasakyan.

Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan at nagtataka kong tiningnan si Mang Tomas.

"Ma'am hindi po tayo pwedeng pumasok dito. Sikat na subdibisyon po ito" magalang na pagkakasabi ni Mang Tomas na lalong ikinulo ng init ng ulo ko.

WAAAHHHHH! NAKAKAINIS!!! Lahat na yata ng sulok ng utak ko ay nagwawala na sa sobrang inis kaya naman agad kong kinapa ang bulsa ko para sa isang papel ulit.

Matalim ko tong tiningnan at nag-isip ng mabuti...

'"D-dito mo siya p-puntahan A-ate... siguradong w-wala siya s-sa condo niya d-dahil alam niyang d-dudumugin ang condo niya p-pag d-dun siya pumunta..."

Napailing ako sa naisip ko at lumabas ng sasakyan.

Natanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang apat na guwardyang kinakausap ng anim na magagandang babae?

"Wow!" naibulalas ko ng papasukin ng mga ito ang anim na babae.

Bumalik ako sa sasakyan at nagtatakang tinanong si Mang Tomas.

"Mang tomas! Akala ko po ba bawal pumasok dito?"

"Ma'am b-bawal po t-talaga... b-baka po may kilala o kaya appointment sila sa loob!"

Muli kong tinanaw yung gate at WOW! May mga babae ulit at kagaya ng mga nauna, pinapasok din sila! Ayos!

"Tsk! Nagkakalukuhan na dito! Kaya ba ayaw kong pumunta rito sa Maynila! Abnormal mga tao--ARAY NAMAN!" may bumunggo saking babae.

"Sorry! Nagmamadali kasi ako eh." hinging paumanhin nung bumangga sakin. Nakita ko siyang naglakad sa gawi nung subdivision.

Sinundan ko siya at buong lakas na hinigit.

"Ouch! Hey ano ba?!" mataray niyang pagkakasabi sakin.

Buong giliw ko siyang nginitian. "Ahh... sorry Miss. Anong meron dun?" wala ng paligoy-ligoy pa!

"Ow~ Hindi ka taga-rito nu?" maarti niyang pagtatanong at agad akong tumango.

"Nakita mo yun?" Sabay turo sa isang magandang bahay sa di kalayuan at muli akong tumango.

"Doon kasi nakatira ang Prinsipe. And you know... kailangan ng Prinsipe ng Prinsesa kaya ako nandito." seryoso niyang pagkakasabi.

Nanlaki ang mata ko. TAMA! NANDITO SILA PARA SA SIRA-ULONG PRINSIPE NA YUN! BAKIT ANG DAMI NILANG NAGKAKANDARAPA DUN?!

"HAHAHA! You should have seen your face! haha You look furious I'm just kidding. Nandito ako para mag-apply... I heard kasi na evicted na daw yung bago niyang maid!" tuwang-tuwa niyang pagkaasabi.

Epal to hah! Batukan ko kaya tong bruhang to. Pero seriously MAID?! as in KATULONG? MUTCHACHA? YAYA? SIYA? Mukang mayaman at inglesera pa, tapos Maid?!

"Sige bye!" pagpapaalam niya.

Saka naman gumana ang utak ko.

TING!

"WAIT!" At dali-dali ko siyang hinabol.

"Sama ako!"

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon