Charyn's POV
"Anong kailangan mo sakin?" gamit ang seryoso niyang boses.
Wow ha ang bilis mag-change image parang kanina lang alalang-alala yung boses niya.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para tigilan na ang kalokohang drama to at likod ni-kakalbuhin-ko ang unang tumambad sakin.
"Ganyan ka ba talaga makipag-usap? Nakatalikod?"
Uso kasi humarap, pano ko siya papatayin sa isip ko kung di ko alam ang mukha niya.
"Sorry miss pero yeah.. Ganito ako makipag-usap kapag ayaw kong makita ang kausap ko.." madrama niyang sagot.
"Ah ganon?! So ayaw mo akong kausap?" nyemas! ang arte!
Alam ko di ako maganda kagaya nung mga gustong maging maid niya pero HELLO KITTY?! Hindi rin naman ako ganun kapangit para ayawan ng kausap.
"Hindi yan ang sinabi ko..." mahina niyang sagot.
"Pero yun parin ibig sabihin nun!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses at naramdaman ko ang pagkabigla sa sistema niya.
Agad kong nasapo ang bibig ko at pinagpapalo ng mahina ang ulo ko.
Ang tanga ko! Bat ba ako nagpapadala sa galit? Hindi ito ang plano ko!!!! kailangan kong maging maid niya para sa ikatatagumpay ng mission ko! Ngayon pano niya ako tatanggapin kung magaspang ang ugali ko?!
Oo. Yun ang plano ko ang maging maid niya at pahirapan siya sa loob ng ISANG LINGGO. Nagchange plan ako kanina kasi tingin ko di sapat yung pagkalbo lang dahil as we all know.. madami ng nabibiling wig at pampahaba ng buhok out there. Sa yaman ba naman nitong mokong na to kahit siguro hair extend papatulan nito at saka, ganti narin para sa mga babaeng pinaiyak niya kanina at sa matagal kong paghihintay sympre.
Muntik na kaya akong ugatan, lumutin at lawaan kanina kahihintay!
"S-s-s-so-rry" labas ilong kong paghingi ng tawad.
Ang hirap kaya magsorry lalo na sa di karapat-dapat pagsabihan ng sorry. Pero pramis! Sa huli siya ang hihingi kay Queen ng sorry! Magmamakaawa siya para sa buhay at pagkatao niya! Promise yan! Taga mo sa bunbunan ni Queen!
"Gusto ko lang naman mamasukan bilang katulong mo... bago ako dito sa Maynila at wala akong matutuluyan. Kahit Isang linggo lang makahanap lang ako ng bagong trabaho.." pagpapatuloy ko with matching paawa voice.
Yeh! Talent ko talaga ang pag-arte. Isa pa to sa pangarap ko eh. Haha
"Pero kung may nakuha kanang maid kahit tagapagluto nalang! (para malason kita! whaha) magaling akong magluto at--"
"Pwede ka ng magsimula bukas" pagputol niya sa sinasabi ko.
"Hah?" takang tanong ko.
Tanggap na ko? Ganon kabilis?
"Sabi ko... hahatid na kita sa Condo ko para makapagsimula kana bukas bilang bagong katulong ko" bali-walang sagot niya.
"Hah katulong?!"
"Bakit ayaw mo?" kunot-noong tanong niya.
Gusto ko! Pero ganun talaga siya kabilis pumayag? walang challenge? Hindi manlang ako naubusan ng laway. Ni Hindi ko nga natapos yung pinraktis kong lines eh! Ano ba yan!
"Akala ko ba may katulong kana?"
"Nah! I told them kanina na hindi na ko naghahanap ng bagong katulong, siguro nahuli ka dumating kaya di mo agad nalaman na--"
"Wait! Bakit mo ako tinanggap?"
"Your homeless right? and jobless and.... bago ka rito" as a matter-of-factly niyang sagot.
Nakakainis Hindi ko makita ang reaksyon! Natanggap na ako at lahat Hindi parin siya humaharap. hindi ko tuloy makita kung seryoso ba to o panay na ang ngisi sa akin.
Sabi kasi sa mga kwento sakin ni Queen mabait to eh. Pero simula palang sympre di na ako naniniwala.
"And By the way I'm Raniel..."
Sabay abot sa kin ng kamay kung san unang lumanding ang mga mata ko at dahan-dahan kong inangat ang tingin ko hanggang sa BOOM!
Pare... nasa langit na ba ako?...
Bakit may Diyos sa harapan ko?...