MML 15: Meet the New Me (1)

69 8 0
                                    

Chapter 15

Sapphire POV

Nang makapasok na ako samay Fashion Room. Umupo akosa may upuan at humarap sa may malaking salamin. Tinanggal ko yung make-up ko at nag-lagay ng contact lenses na color black.

Sinanay ko muna ang mata kong may contact lenses. Bago ako tumayo. Hindi kasi ako sanay na naglalagay ng contact lenses.

Kumuha naman ako ng mga telang gagamitin ko at pumunta sa may sewing machine. Kumuha na din ako ng gunting.

Gumawa ako ng Tatlong pares ng uniform ng San Vicente High School. Isinuot ko ang isa at ang dalawa naman nilagay ko samay bag ko. Kumuha na din ako ng mga thousands pair ng contact lenses na black at inilagay din sa may bag.

Pumunta naman ako sa may wig section at kumuha ng iba-ibang wig na black at iba-iba ang hair style. Gaya ng telephone, Kulot, straight, wavy. Pero mas marami ang kinuha kong straight na wig.

Isinuot ko ang isang straight na wig. Kinuha ko narin yung mga papers kung nasaan ang bago kong profile. 
At lumabas na pumunta ako sa may garage at kinuha ko ang limousine ko at nilagay sa back seat ang mga nakuha kong gamit.

Pinaandar ko na ang engine at pumunta na sa tutuluyan kong bahay. Nang makarating na ako sa bahay inayos ko na yung mga gamit at pinasok ang kotse ko sa may garahe.

Nakita ko naman si Miss Laida at may truck sa may labas ng bahay. Naghahakot na sila ng mga gamit. Kumaway siya sa akin kaya ngumiti nalang ako sa kanya. Lumapit ako sakanya at nakita kong malapit na pala ailang matapos.

"Oh san ka nanggaling bakit ka naka-uniform?"tanong niya.

"Dyan lang po sa may school inayos ko po yung mga kailangan para maka-transfer na po ako dyan sa Stillford University"

"Di ba private school yan?"

"Opo may scholarship naman po akong nakuha"pagsisinungaling ko. Wala naman talaga akong scholarship ehh.

"Ganon ba?"

"Opo"

At nakarinig kami ng sigaw mula sa may truck.

'Miss Laida! Aaalis na po!!!"

"Ah Miss Laida aalis na daw po kayo"
Sabi ko sakanya.

"Sige mag-iingat ka ha!"sigaw niya bago umalis ang truck.

Pumasok ako sa bahay wala na talagang laman ang bahay. Wala ng kagamit-gamit. Bibili na lang ako sa mall bukas dahil mag-gagabi naman na.

Dumeretso ako sa may Restaurant dahil nagugutomna ako wala pa kasi akong kain mula kaninang umaga.

At nang matapos ako nag-punta muna ako sa may hotel dun muna ako matutulog dahil wala naman akong matutulugan sa bahay dahil wala namang mga gamit.

************

.....kinabukasan....

Maaga akong nag-check out sa hotel dahil kailangan ko pang mamili ng mga gagamitin sa bahay. Pupunta na sana ako sa mall ng maalala kong kailangan ko pa. Palang tignan kong anong kailangan sa bahay.

Pumunta na ako sa may Parking lot at kinuha yung kotse. Umuwi muna ako para mag-linis ng katawan.

Pagkarating ko. Naligo kaagad ako at nag-tungo sa garahe remember nanduon yung mga gamit ko.

Kinuha ko yung mga gamit at nilagay ko muna sa kwarto ko sa taas na wala pang ka-gamit gamit at nilapag sa may floor. Pina-tuyo ko muna yung buhok ko bago ako nag-wig. Ang damit ko ay yung uniform parin ng San Vicente. Wag kayo ha nag-palit ako ng damit. Tatlo kasi yung tinahi ko diba kaya isa nalang ang diko pa nagagamit.

My Miserable LifeWhere stories live. Discover now