Chapter 5

487 27 21
                                    

Chapter 5:
Xeyler or Xeyzer?

Hindi ko alam kung paano kami naghiwalay ng landas ng lalaking pumunta sa banyo. Basta umalis na lang ako bigla nang makaalis na ang dalawa. Hindi na rin ako nag-abala pang pumasok sa susunod na asignatura.

I'm too drained that time.

Mabuti na lang at nagkasakit ako kinagabihan. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa kapatid ko kung bakit ang tamlay ko.

Balak kong wag nang pumasok kinabukasan pero nanghihinayang ako sa mga lessons. Kaya pinili kong pumasok na lang.

Nandito ako ngayon sa library, same spot kung saan kami madalas manghang out nila Trisha. Gusto kong magalit sa kaniya. Gusto kong hiwalayan niya si Airon. Gusto kong bumalik sa akin si Airon. Gusto kong bumalik na lang sa dati pero hindi ko kaya.

Masaya silang magkasama. Ako lang yung may problema. Kaya dapat ako lang ang nagdurusa. Dapat hayaan ko na silang maging masaya. Tama. Magiging masaya naman ako kahit wala sila.

Di ba?

May umagaw ng librong binabasa ko. Nilingon ko ito. Tila hindi na ako nagulat ng makita ko na naman ang lalaking kung saan saan sumusulpot.

"Basa na yung libro" seryoso niyang sambit. Tinuon niya ang atensyon sa pahina na binabasa ko.

Pinunasan ko ang luha. Nangalumbaba habang tinitignan ang lalaking nasa tabi ko.

"Bakit ba palagi kang nasulpot? Stalker ba kita?"

Saglit niya akong tinignan. Tinuon niya ulit ang atensyon sa libro.

"Alam mo ba kung bakit palagi kang nasasaktan?"

Hindi na niya ako binigyan ng oras para sumagot. Sinagot niya na rin agad ang tanong niya.

"Ang bilis mo kasing umasa kahit wala namang aasahan"

Natahimik ako sa sinabi niya.

Ngayon ko lang napagtanto. Nasasabi kong matabil ang dila niya dahil totoo lahat ng lumalabas sa bibig niya.

Truth hurts.

"Anong pangalan mo?"

Lumingon siya sa akin. This time, sa akin na niya tinuon ang buong atensyon.

"Intresado ka na?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tila ang seryoso niyang mukha ay naging pilyo ng tanungin ko ang kaniyang pangalan.

"Xzyr. I'm Xzyr" ngumiti ito ng napakalapad na naging dahilan upang mapansin ko ang kaniyang panga. Broad jawline

Tinanguan ko lang siya. Kinuha ang bag at sinukbit sa balikat. Nagsimula na akong maglakad paalis ng tawagin niya ako.

"Wala ka na bang itatanong sa akin?" bumalik ang seryoso niyang mukha.

"Your name is enough to me, Xeyler"

"Xzyr" pangtatama niya.

"Whatever. Wala akong pake. Sana simula ngayon di na kita makita pa"

Tuluyan na akong nakaalis ng library. Mabuti na lang at hindi na rin siya sumunod.

Habang kasama ko siya kanina, feeling ko lagi lang akong nasasaktan kapag siya yung kasama ko. Bukod sa matabil niyang dila, madalas kong makita sila Airon kapag kasama ko siya.


Ilang araw ko ring hindi siya sumulpot sa araw ko. Tama nga ako, siya lang talaga ang panggulo. Ilang araw na tahimik ang araw ko kasi hindi siya sumulpot sa harapan ko na parang kabuti.

Akala ko ayos na pero nagpahinga lang pala siya sa pambubulabog ng mga araw ko.

"What's up, Danny!"

Nilagay ko ang mga pagkain sa tray na nasa lamesa. Balak ko na sanang lumipat ng table pero hindi ako pinayagan ng kabuti na 'to.

"Di ba sabi mo nang ayaw na kitang makita? Bakit ba ang kulit mo" naiirita na ako. Sobrang ayoko ng hindi sumusunod sa akin. Lalo na kapag hindi ko naman kilala.

"Wala kang magagawa. Nagpakita ka kasi ngayon" ang ligalig niya ngayon. Di siya yung seryosong tao na nakita ko nung unang araw.

"Anong gusto mo?" pinatong ko na uli ang tray sa lamesa bago umupo.

"Wala naman. Makikikain lang"

Inalis niya ang mga pagkain sa loob ng tray niya bago nagsimulang kainin ang mga ito.

Di naman na siya nagsalita pa kaya hinayaan ko na lang.

Habang kumakain, hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya. Nagtataka ako kung bakit lagi siyang nasulpot kung saan. Ano ang dahilan niya para lapitan ako, hindi ko naman siya kilala. Sigurado akong pangalan ko lang ang alam niya.

"Bakit mo ba ako nilalapitan?"

Tumigil siya sa pagkain. Nag transform ulit siya sa seryosong mukha. Bipolar ata ang isang ito.

"Why not?"

Bumalik siya sa pagkain tila wala lang talaga sa kaniya ang paglapit lapit ngayon sa akin.

Wala naman talagang ibig sabihin pero hindi ko siya kilala. Hindi niya rin kilala buong pagkatao ko pero sumasama siya sa akin? That is strange. Pati ngayon ko lang siya nakita simula ng pumasok ako dito.

"Hindi mo ko kilala tapos lalapit lapit ka sa akin na akala mo may pinagsamahan tayo"

"You are Dana Kim Dela Rosa. Ex girlfriend of Airon Gomez. Ex bestfriend of Trisha Mae Sue"

"Siguro crush mo 'ko" napangisi ako ng umirap siya

"Never. Hindi kita type at never kita magugustuhan"

"So bakit mo ko nilalapitan? Don't tell me you you want me to be your friend—"

"Bakit masama ba?"

Napatigil ako sa sagot niya. Nakatingin siya sa akin ng seryoso. Mukhang seryoso siya sa sagot niya.

"Okay"

Sinimulan ko na ulit kumain. Hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Xeyler. Xeyler? Xzyr. Yeah. Xzyr.

Wala ng nagtangkang magsalita hanggang sa matapos ako kumain. Napaka tagal niya pala kumain.

Tatayo na sana ako para magtingin ng panghimagas pero bigla siyang nagsalita.

"Pansin ko ring wala kang ibang kaibigan bukod kay Trisha kaya sinubukan kong iapproach ka. Kawawa ka kasi, mukha kang lonely"

Nakangisi siya habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Tila bumalik ang pilyo n'yang mukha kasama ang matabil niyang dila.

"Ang kapal naman ng mukha mo" asar kong sambit pero ang gago tinawanan lang ako.

Marahas kong kinuha ang bag ko bago mabilis na umalis sa table. Kung ganyang klase ng kaibigan ang magkakaroon ako, wag na lang.

Gulat na lang ako at kasabay ko na siyang naglalakad. Umiling na lang ako ng ilang ulit. Iisipin ko na lang na anino siya.

Lumapit ako sa counter kung saan may tinda ng panghimagas. Habang nagtitingin ng makakain, may narinig na naman akong mga bulungan.

Mga chismosa.

"Kasama niya na naman 'yung lalaking yan oh. Siguro yan yung pinalit niya kay Fafa A"

"Sinabi mo pa. Cheater. Akala mo mukhang kawawa, siya naman pala yung nagloko"

"Malandi talaga yang Dana na yan"

Nakatingin lang ako sa mga panghimagas na naka display. Hindi ko tinignan ang mga babae na nagbubulungan na halos katabi ko lang.

Tinignan ko si Xzyr. Mukhang wala siyang narinig dahil nakapalumbaba na nagtitingin sa mga panghimagas.

Bumili na ako agad na sinundan naman ni Xzyr.

Pagkabigay kay Xzyr ng binili niya umalis na agad ako ng cafeteria. Ayoko ng vibes doon.

~~~

■ PLEASE LEAVE LIKE AND COMMENT ■

Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon