Chapter 13

403 17 1
                                    

Chapter 13 - Over

---

Nang magkita ulit kami ni Xzyr, sinabi ko na bibilhan ko siya ng PS4 kaso tumanggi siya. Hindi niya naman ganun kailangan ‘yun para bilhan pa siya pero alam kong nahihiya lang siya.

Kaya heto ako ngayon. Tinatanggal ang pagkakaset-up ng PS4 ko sa TV na nasa kwarto ko.

Matagal na rin ang PS4 ‘ko. Hindi ko na rin ginagamit at naalikabukan lang. Balak kong ibigay na lang kay Xzyr. At least mapapanatag ang loob ko.

Tinago ko sa isang malaking tela ang PS4 bago nilagay sa malaking bag.

Hindi alam ni kuya na ibibigay ko na ang PS4 ‘ko. Hindi niya rin naman mapapansin na nawawala. Bakit ko pa sasabihin?

Pagkapasok ko ng condominium, hindi ko alam kung anong number ng condo niya kaya nagtanong pa ako. Gulat na gulat siya ng malaman na nasa condo nila ako. Sa sobrang pagmamadali atang bumaba, hindi niya namalayan na sando at boxer lang ang suot niya.

Pagkapasok ko ng condo nila Khyle, sobrang linis. Nahiya bigla ang kwarto ko. Hindi ko ineexpect na malinis sila sa mga bagay dahil lalaki sila, haler?

“Ano ba itong dala mo?” kinakalkal ni Xzyr ang bag na dala ko. Nakakunot pa ang noo niya. Seryosong seryoso. “Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka. Sana nakapaglinis kami”

“PS4 ‘yan”

“Hindi ba’t sabi ko wag—”

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nilapitan siya bago hinawakan ang dalawa niyang kilay. Tinuwid ko ito para mawala ang pagkunot ng noo niya.

“Hindi ako bumili. Akin ‘yan. Hindi ko na ginagamit kaya sa’yo na lang” nang matapos. Nginitian ko siya.

Tinitigan ko siya sa mata. Walang nagsalita sa amin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero una akong umiwas ng tingin. Sobrang lapit na pala namin.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina.Umiwas ng tingin bago sumimsim sa juice na inihanda ni Khyle kanina. Bakit ko kasi pinakialaman ‘yung kilay niya?

“Sa’yo ‘to? Hindi ka ba pinagalitan ng kapatid mo dahil binigay mo ‘to?”


Pumunta siya sa harapan ng TV. May kinalikot siya doon. Mukhang is-set up na ‘yung PS4.

“Ayos lang na ibigay ko ‘yan kaysa maalikabukan at masira sa kwarto ko” isinawalang bahala ‘ko yung tanong niya sa kapatid ko.

Habang nag-aayos siya, naisipan kong tignan ‘yung mga pictures na nakadisplay sa mga cabinet. Pictures lang nila ni Khyle ang nandoon. Tig-isang solo nilang dalawa at isang magkasama sila.

“Wala ka bang picture ng mama mo?” tanong ko ng hindi tinitignan ang kausap.

“Wala. Sa phone lang. Hindi ko pa napapaframe”

Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Nadako ang tingin ko sa nakasabit na frames sa hindi kalayuan. Pumunta ako doon bago tinignan kung anong nakalagay.

Mga awards.

Xzyr Nicholas R. Fuego

Ang ganda ang pangalan niya. Sobrang unique. Nainggit tuloy ako. Ang common kasi ng pangalan ko.

Napaisip ako sa surname niya. Parang familiar. Nakalimutan ko kung saan ‘ko narinig.

Baka doon sa binanggit kay Rizal. Fuego na sa english ay fire.

Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon