Chapter 12 - Jett Clorcospo
Pumunta kami ng ice cream parlor nung nag walk out kami ni Xzyr. Natatawa na lang ako sa tuwing naalala ko ang nakabusangot niyang mukha. Ang dahilan niya pa, sobrang badtrip siya sa pinagsasabi ni Airon.
Nabalitaan namin kila Vervon na hindi kami nanalo. Walang nanalo sa amin nila Airon. Kaya ayos na rin sa akin pero kay Xzyr hindi.
Hindi niya kasi nakuha yung PS4 kaya mas lalo lang siyang nabadtrip.
Nasa loob na ako ng kwarto ko. Pinag-iisipan kung bibilhan ko ba si Xzyr ng PS4. May kamahalan kaya pinag-iisipan ko pa. Gusto ko kasing magpasalamat sa pagtatanggol niya. Sobra talaga akong natuwa.
Bumaba ako ng tawagin ako ng kapatid ko. Tuwang tuwa pa akong bumaba pero nawala rin ng makita kong may bisita kami.
Nasa bahay ang tropa ni kuya. Kung tropa ang pinag-uusapan. Kasama si Jett Clorcospo doon. Ang peste sa buhay ko.
"Hi Dana!" Bati sa akin ni Jett pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy akong pumunta ng dinning table.
Isa si Jett sa tropa ni kuya. Unang kita ko pa lang sa kaniya kumukulo na ang dugo ko. Isama pa natin yung pagiging manyakis niya.
Umupo si Jett sa harapan ko. Halatang nagpapapansin na naman.
"Huy, Dana!"
"Isa pang tawag mo sa akin na Dana masasapak na kita" pagbabanta ko.
Pinakaayaw ko ‘yung tinatawag akong Dana. Ang baboy ng bibig niya tapos tatawagin niya ang maganda kong pangalan? No way.
Nagbalak na akong umalis ng dinning room. Ayokong may nangugulo sa akin pag kumakain. Kukunin ko na sana ‘yung plato ko pero hinawak ni Jett yung braso ko. Sa pagkabigla, umikot siya sa ere bago pabagsak na binaba ko sa lapag.
Gulat na gulat ako ng mabalibag ko siya.
Lahat ng nasa bahay, napapunta sa dinning area. Lahat sila gulat ng makita si Jett na nakahandusay sa lapag.
"Dana!? Anong ginawa mo!?" Tarantang sabi ni kuya. Lumapit siya kay Jett na kasalukuyang nakahilata pa rin sa lapag
"Nagulat lang ako kaya nabalibag ko siya” pilit kong tinago ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko talaga inaasahan yung ginawa ko.
"Shet, wala siyang malay”
Dumagdag lang ang kaba ko ng marinig ang sinabi ni Kuya Xean na tropa din ni kuya.
Imposibleng mahimatay siya ng ganun lang. Sigurado akong hindi nauntog ang ulo niya sa semento. Katawan lang ang binagsak ko.
Nataranta ang lahat. Pati ako. Hindi ko ineexpect na ganun kalaki ang impact.
Baka mali yung paggawa ko? Paano kung nabagok siya? Paano kung namatay siya? Pinatay ko na ba siya nun?
Napatingin ako kay kuya. Umiiling iling siya sa akin bago naghanap ng pamaypay para kay Jett.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinanood ko lang sila kung paano sila mataranta. Yung isa pang tropa ni kuya nagsearch pa kung anong gagawin kapag may nahimatay kaya ang dami niyang pinapagawa
Pilit kong inaalala kung may narinig ba akong kalabog ng ulo sa semento pero wala talaga. Katawan niya lang ang nabagsak ko!
Lumapit sa akin si kuya. Ang seryoso ng mukha niya. Hindi maipinta dahil bakas din ang pagkabigla sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/90111992-288-k738789.jpg)
BINABASA MO ANG
Move on na, Tanga!(COMPLETED)
عاطفيةThere was a girl named Dana Kim Dela Rosa who can't let go her feelings toward his ex named Airon Gomez and there is a weird guy who will enter to her cliché story. Dana and the weird guy will pretend that they have a relationship. She will depends...