Chapter 20 - The guy at the back
Jett's POV
"Tet" Saglit kong tinignan ang tatay ko habang binubutones ang suot na polo, sabay tingin sa repleksyon sa salamin.
Pupunta ako ng condo na nabili ko malapit sa eskwela ko ng high school. Tutal, magcacollege na ako, gusto kong tignan kung mabubuhay ba ako ng ako lang mag-isa.
'Dati ka na palang mag-isa, Jett'
"Bakit, dad?"
Natigilan ako sa pag-aayos ng buhok nang tapikin niya ako ng ilang ulit sa balikat. Nakangiti siya sa akin na parang proud na proud na ako ang naging anak niya.
"I'm just proud that you're college now at young age" Napangiti ako. Yun lang naman ang gusto ko. I want them to be proud.
"It's a piece of cake, dad. Wag ka nga" agad akong napangiwi nang guluhin niya ang buhok ko.
"Dad! Ang hirap kaya ayusin ng buhok ko!" Humalakhak siya na parang walang bukas.
Unti-unti ring humina ang tawa niya at tanging naiwan lang ang ngiti sa kanyang labi.
"Tet, ipangako mo. Kapag nakita mo na yung babaeng para sayo, wag mo ng pakawalan" Nginitian ko siya bago niyakap. I will miss this man.
"Oo naman, dad. Ayaw kong gumaya sayo noh"
Nauwi kami sa kulitan bago ako tuluyang umalis. Ayaw ko sanang iwan siya pero kailangan. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko.
"Hoy, Jett! Wala ka bang tulog, pre?" Nakangiwing sambit ni Xean. Umiling-iling lang ako.
"Ano bang pinag-uusapan niyo?" Panglilihis ko sa usapan.
"Pinag-uusapan namin kung paaano tayo magkokopyahan mamaya" nabalutan ng tawanan ang table namin sa sinabi ni Elis
Simula ng ilipat ako sa 3rd year mula sa 1st year college sila na ang nakasama ko. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. May kalokohan nga lang.
"Lilipat na raw dito ang kapatid ni Damon" Sambit ni Xean habang patuloy lang sa pagnguya.
"Bakit daw?" Tanong ni Elis
"Puro daw kasi basag-ulo si Damon" Humalakhak na naman silang lahat. Nanatili lang akong tahimik habang umiiling.
Ilang beses ng nakipagbasag-ulo si Damon dahil sa nililigawan niyang si Ayah. Hindi na tumino.
"Nandito na ang demonyo!" Sigaw ni Elis
Halos sabay-sabay kaming tumingin sa pintuan ng canteen. Ang lawak ng ngiti ni Damon habang kumakaway. Kasama niya si Ayah na may kausap na babae.
Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Katamtaman lang ang haba ng buhok niyang may pagkakayumanggi. Manipis lang ang kilay niyang may kulay rin. May katangusan ang ilong. Maliit at manipis na labi. Sakto lang rin yung haba ng leeg. Maganda ang pagkakabagsak ng balikat. May hugis rin ang kanyang beywang. Pansin ko ring walang kulay ang kanyang mga kuko.
Ayos na. Magandang tignan pero wala siyang hinaharap. Ang liit niya rin. Para siya nuno sa dalawang kasama niyang kapre.
Nakipag-apir-an si Damon pagkarating niya sa table namin. Pinasadahan ko sila ng tingin nila Ayah dahil nakatuon lang ang pansin ko sa bagong mukha.
Ang liit rin ng mukha niya. Namumula ang kanyang pisngi dahil sa blush on. Medyo mapula rin ang kanyang labi
"Mga pre. Si Dana pala, yung kapatid kong sinasabi ko sa inyo" Napangiwi ako ng naunang umupo si Damon kaysa sa dalawang babaeng kasama niya.
BINABASA MO ANG
Move on na, Tanga!(COMPLETED)
Roman d'amourThere was a girl named Dana Kim Dela Rosa who can't let go her feelings toward his ex named Airon Gomez and there is a weird guy who will enter to her cliché story. Dana and the weird guy will pretend that they have a relationship. She will depends...