Chapter 11

371 19 62
                                    

Chapter 11 - First time

Balitang balita na sa campus ang relasyon namin ni Xzyr dahil ‘yun ang naririnig kong kwentuhan pagpasok ko ng school.


Nagkataong sabay kami Xzyr pumasok kaya simula gate, the acting begin.

Nakaakbay siya sa akin. Katulad ng dati, may pagitan pa rin. Hindi mo lang mahahalata kung nakafocus ang paningin mo sa kamay niyang nakaakbay.


Natigil kami sa paglalakad ng may naglahad ng flyers sa amin. Ngayon ko lang napansin na nakakalat ang mga seniors. Halos lahat may dalang flyer na binibigay sa mga estudyante.

“Couple Goals Beat it” basa ko sa nakalagay sa flyer


Lumingon sa amin si ateng senior bago ngumiti.


“You're Dana, right?” nadako ang tingin niya sa katabi ko “And you're Xzyr? The new love team of PSMU?”

Walang nagsalita sa amin. Hindi ko ineexpect na aabot ang balita sa senior building.

Magkahiwalay kasi ang junior and senior building.

“Sumali kayo sa CGB! Contest siya ng mga couple. May mga challenges at questions about sa mag partner at padamihan lang ng points!”


Tumingin ako kay Xzyr. Nakatingin din pala siya sa akin. Nagkibit balikat siya bago umiwas ng tingin. It means ako bahala.


“Pag-iisipan pa po namin” ngumiti ako sa kaniya bago kami umalis doon. Kinuha ko na lang yung flyer para hindi nakakahiya.


“Ano bang meron?”


“Senior Week” lumingon ako kay Xzyr nang mag salita siya. “May mga pacontest ang mga seniors. Paramihan ng mapapasali. Magrereflect ‘yun sa grades nila”



“Paano mo nalaman?”



lumingon siya sa akin. Tumawa pa siya bago umiwas ulit ng tingin.

“Magaling kasi ako?”



Inirapan ko siya. Nang maghihiwalay na kami ng ruta, nag flying kiss pa ang mokong. Nang-aasar na naman.



Pansin ko na mas naging caring siya pagkatapos ng nangyari sa birthday ni Amber. Ayaw ko na rin alalahanin ang mga nangyari nung araw na ‘yon.


Nabawasan ang pagiging matabil ng dila niya,bumabawi lang siya sa mga asar niya sa akin.


Pagkarating ko ng room, pinuntahan agad ako ni Vervon. Niyayaya niya akong sumali kami ni Xzyr sa Couple Goals Bring it. Umayaw ako dahil hindi pa namin masyadong kilala ni Xzyr ang isa’t isa. Nagpapanggap lang naman kami.

“Balita ko sasali sila Airon”


Doon niya naagaw ang atensyon ko. Nakita ko siyang ngumiti ng lumingon ako sa kaniya.


“Kung gusto mong ipamukha kay Airon na okay ka ng wala siya dapat manalo kayo dito. Show to him that you're contented with Xzyr”


Ginulo ni Vervon ang isip ko. Kaya sa tatlong oras ng klase namin wala akong naintindihan.


Tinignan ko ‘yung flyer.

Hindi naman siguro masamang kilalanin si Xzyr dahil dito.

---

Pagkakita ko kay Xzyr nung lunch, niyaya na niya agad akong sumali na kami sa CGB kaya hindi na rin ako nahirapang kumbinsihin siya.

Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon