Chapter 17

311 22 2
                                    

Chapter 17 - Synesthesia

Nagdesisyon si kuya na i-confine ako sa ospital para mabantayan. Nasabi kasi ng doctor na na-over fatigue ako kaya sobra akong nanghihina. Nagsusuka na rin ako sa hindi malamang dahilan.


Hindi na ako nagpumilit pang umuwi dahil wala rin akong magagawa.


Nabalitaan ko na parehas na ospital kami pinagdalhan ni Airon. Gusto ko sana siyang bisitahin pero hindi ako pinayagan.



"Hi Dana. Okay ka na?"


Tinignan ko ang bagong pasok. May hawak itong basket ng prutas. Nilapag niya ito sa katabi kong maliit na table.


"Ayos na ako. Baka makakaalis na rin ako bukas" sagot ko kay Jett.


Pangalawang araw ko na ngayon sa ospital. Sa dalawang araw na 'yun. Salitan na nagbabantay sa akin si ate Ayah at Jett. Busy masyado si kuya sa trabaho kaya hindi niya ako matutukan pero bumalik naman na lakas ko kaya baka payagan na ako ni kuya na bumalik ng bahay.


Wala akong balita kay Xzyr pagkatapos ng nangyari sa warehouse. Sinubukan kong simpleng itanong si Khyle pero wala rin siyang alam.


Gusto ko sana siyang makausap. Gusto kong malaman kung ano talaga ang pakay niya sa akin. Curious din ako kay Kyros.



Wala akong ginawa sa ospital kung hindi kumain, matulog, mag cellphone saglit tapos matutulog ulit. Nakaka bored.



Lumabas saglit si Jett dahil may kukunin daw. Pagbalik niya kasama na niya si kuya na may mga hawak na plastic bag ng Jollibee.


Ang taray naman ng kapatid ko.



"Balita ko sa doctor, ayos na pakiramdam mo?" salubong sa akin ni kuya. Umupo siya sa hospital bed kaya umayos ako ng upo.



"Pwede na akong umuwi bukas!" ginulo ng kapatid ko ang buhok ko. Tinulungan na niyang mag-ayos ng pagkain sila Jett at ate Ayah.


"Kuya"tawag ko sa atensyon niya


"Pwede bang puntahan ko muna si Airon?" nag-aalagan man pero minabuti ko nang magtanong.



Hindi lumingon sa akin si kuya. Nagpatuloy lang siyang mag-ayos ng pagkain.



"Bawal"



"Bakit? Galit ka pa ba sa kaniya? Hindi ka ba nag-aalala sa dati mong kaibigan? May pinagsamahan naman kayo kahit papaano" hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita. Ang tagal na nang issue ng pagkakaibigan nila kahit ngayong nahihirapan siya matigas pa rin puso niya?



Sa pagkakatanda ko, hindi ganun ang kapatid ko.



"Hindi sa ayaw ko. Siya ang may ayaw"



Natahimik ako. Anong ibig sabihin niya na ayaw ni Airon bisitahin ko siya?



Yeah, right. Ayaw na niya ako sa buhay niya. Tama. Ako nagdala sa ganito niyang sitwasyon.


"Nakakalakad pa naman siya hindi ba?"




Matagal bago ko nakuha ang sagot pero nakahinga ako ng maluwag nang tumango ang kapatid ko.




Sisisihin ko ang sarili ko kung mangyari ulit ang trahedya dati. Ayoko ng maramdaman niya na wala siyang kwenta.



Tama. Gago siya. Madami siyang niloko pero walang taong deserve masaktan. Kahit na kriminal ka man.



Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon