Chapter 14 - Stay
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari nung nakaraang araw. Hindi ko ineexpect. Masaya ako na bumalik kami ni Airon sa dati. Hindi sa dating dati pero bumalik kami.
We are now in a secret relationship ni Airon.
I guess that’s fine right?
Hindi ko pinaalam kay Airon na nagpapanggap lang talaga kami ni Xzyr. Ang alam niya, naghiwalay na kami pero ang totoo hindi pa alam ni Xzyr ang tungkol dito.
Sasabihin ko pa lang mamayang lunch time.
Umayos ang lahat sa kaniya kaniyang upuan nang pumasok ang home room teacher namin. Pansin kong excited ang mga classmate ko sa pagdating niya.
Dahil hindi ko alam ang kaganapan sa school minabuti ko na lang na makinig.
“Alam kong alam niyo ng lahat ang tungkol sa gaganapin na acquaintance party” panimula ng home room teacher namin.
Well, except me. Hindi ko alam na may acquaintance party ang freshman year.
Nag-anunsyo lang ng mga magaganap sa acquaintance ang home room teacher namin. Nagdiscuss na siya pagkatapos.
Ang sabi niya pa may points daw ang pag attend ng party plus bonus point kung may partner.
Ibang klase
Wala pa naman akong balak umattend.
Mabilis lumipas ang oras. Lunch break na. Meron akong halos dalawang oras ng break dahil 2:30 pa ang next class.
Narinig kong nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ‘yun. Nakita kong nag text si Airon. Nagsabing magllunch na daw siya.
Automatic na napangiti ako. Ganitong ganito siya dati.
Nasabi niya na kaya kay Trisha ang tungkol sa amin?
Bigla tuloy akong na curious. Paano kung nalaman ito ni Trisha? Baka magalit siya.
Napabuntong hininga ako sa naisip. Naisip niya kaya yung iniisip ko ngayon bago niya jowain yung ex boyfriend ko?
Nag-ayos ako na lang ako ng gamit. Binaliwala ang naiisip.
Lalabas na sana ako ng room ng tawagin ako ni Vervon. Muntik ko ng masapo ang noo ko dahil nakalimutan kong kasama pala namin siya mag lunch.
“Hindi ka naghihintay” nakanguso siyang lumapit sa akin. Nagpapaawa. Natawa ako sa reaksyon niya. Hindi ko akalain na meron siyang ganitong side. Childish.
“Mags-solo lunch sana kami ni Xzyr, Vervon. Kayo na muna ni Khyle ang magsabay mag lunch”
Nagbago agad ang reaksyon niya sa sinabi ko. Gulat na gulat. Nagsimula na rin itong hindi mapakali.
“H-ha? Ganun ba? Mag-isa na lang siguro ako magllunch” ngumiti siya habang hindi makatingin sa akin ng deretso.
Pinasingkitan ko siya ng mata bago mapang-asar na ngumiti. Confirmed.
“May gusto ka kay Khyle noh?”
Nanlaki ang mata niya. Dumagdag ang tensyon sa kaniya. Nakita kong nagpapawis na rin yung noo niya.
Para siyang natatae.
“Girl, ayos lang yan. Support kita kay Khyle. Sabay na kayo mag lunch ha!”
BINABASA MO ANG
Move on na, Tanga!(COMPLETED)
RomanceThere was a girl named Dana Kim Dela Rosa who can't let go her feelings toward his ex named Airon Gomez and there is a weird guy who will enter to her cliché story. Dana and the weird guy will pretend that they have a relationship. She will depends...