Chapter 10:
No oneUmuwi na rin kami pagkatapos ng ilang oras. Nagyaya na rin si Amber dahil mukhang umuwi na rin ang mga kalaro niya.
Puro tanong si Amber kay Xzyr pero mukhang magkasundo na rin sila dahil puro kalokohan ngayon si Xzyr. I think he is in good mood. Right timing para sabihin ang plano.
"Ate Dana, punta ka sa birthday ko sabado ha!" tumango-tango ako kay Dana habang nakangiti.
Muntik ko ng makalimutan na magbbirthday na pala siya.
Naghiwalay na kami ng ruta ng marating namin ang kanto ng block namin. Aalis na nga sana si Xzyr pero pinigilan ko.
"Di ba sabi mo pupunta ka sa bahay?" pinandilatan ko na naman siya ng mata. Pasimple ko siyang kinurot.
"Alam mo, Dana tumig-"
Tinakpan ko ang bibig niya. Pilit niyang tinanggal pero hindi ko hinayaan.
"Aalis na kami. Babye Amber!!"
Hinila ko na si Xzyr. Nagpumiglas siya kaya nabitawan ko rin ang bunganga niya.
"Ano bang pinaggagagawa mo" iritang sabi niya. Nakakunot ang noo siyang nakatingin sa akin. Parang kanina pa nagtitimpi
"Tinakpan ko lang bunganga mo, galit ka na" inirapan ko siya. Hindi siya kumibo pero ang sama pa rin ng tingin ng mokong.
Lumunok ako bago ko siya tinignan ng seryoso.
"I need your help, Xzyr" Tinaasan niya ako ng kilay. Bading ba siya?
Hinintay ko siyang magsalita pero mukhang wala siyang balak kaya sinundan ko na ang sinabi ko.
"Gusto kong magpanggap kang boyfriend ko" gulat niya akong tinignan. Halatang di makapaniwala sa sinabi ko. Nawala na rin ang irita sa mukha niya.
"Dana, gusto lang kitang maging kaibigan. No less no more. Period" tinalikuran at aalis na sana pero hinawakan ko ang braso niya. Lumingon ulit siya sa akin na animoy bagot na bagot
"Please, Xzyr. I really need you. I just want to tell that jerk that I can be happy without him" nagpaawa pa ako sa kaniya para pumayag siya pero hindi man lang nagbago ang ekpresyon niya.
"You want revenge? How childish you are. Wag mo akong idamay sa ganyan mo" kinuha niya ang braso niya. Masama niya akong tinignan. I think ayaw niya talaga. Pero hindi ako susuko.
"Please, Xzyr? Magpapanggap lang naman. Please. Akala ko ba magkaibigan tayo? Sige na"
"still no" nagsimula na siyang maglakad papalayo pero sinundan ko siya
"Please?"
"Ayoko talaga, Dana"
"Kahit ilibre kita sa loob ng dalawang linggo?"
Tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto ako. Ngiting ngiti ko siyang tinignan para mapapayag siya.
"Dalawang linggo lang?" napasimangot ako. Palamunin ka teh?
"Fine. Tatlong linggo" inirapan ko siya. Nginitian niya ako bago nag thumbs up.
"Good, deal"
Inirapan ko ulit siya na mas ikinatuwa niya. Panalo siya sa pang-aasar sa round na 'to. Mukhang mamumulubi ako ng tatlong linggo. What a jerk.
Pagkauwi ko ng bahay tinanong ko agad si manang kung tinanong ba ako ni kuya o hinanap. Sabi niya naman ay hindi. Hindi pa raw lumalabas ng kwarto niya simula ng tanghalian. Mabuti na lang dahil wala akong sermon.
BINABASA MO ANG
Move on na, Tanga!(COMPLETED)
RomanceThere was a girl named Dana Kim Dela Rosa who can't let go her feelings toward his ex named Airon Gomez and there is a weird guy who will enter to her cliché story. Dana and the weird guy will pretend that they have a relationship. She will depends...