Chapter 16

282 18 3
                                    

Chapter 16 - Kidnap

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Nangangawit na rin ang pwetan ko sa pag-upo. Pansin kong nakatali ang kamay ko sa likod ng upuan. Sumasakit na kaunti ng palapulsuan ko.


Iginala ko ang mata kung nasaan ako. Namayani ang takot ng matandaan kung nasaan ako. Hidden warehouse nila Zig.


Kulob ang kwarto kaya’t sobrang init. Ang nagsisilbing hangin lang ay ang electric fan na maliit na nasa lapag. Walang liwanag na nanggagaling sa labas. Tanging flashlight lang ang nagsisilbing ilaw.



Pinilit kong tanggalin ang pagkakagapos sa kamay ko pero nasaktan lang ako sa pagpilit.


Napatingin ako sa pinto nang bumukas. Iniluwa nito ang lalaking hindi na bago sa aking paningin. Mas dumagdag ang hikaw niya sa tainga at mas humaba rin ang buhok niya.



“Long time no see, Dana”


Lumapit siya sa akin. Umupo sa lamesa na nasa harapan ko. Nagsindi ng sigarilyo bago binuga sa mukha ko.


“Wala ka pa ring manners, Zig”

Sumilay ang ngisi sa labi niya. Halatang  naapektuhan sa sinabi ko.


“I don't care about your opinion bitch!” umalingawngaw sa kwarto ang lutong ng sampal sa akin.

Mahapdi ang mukha ko pero pinilit kong kumalma. Medyo naglasang kalawang ang bibig ko. Nagdugo pa ata.


“What you want?” kalmado kong tanong.


Gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Ano na naman bang ginawa ko para gawin ulit ito? Isa pa, sa pagkakaalam ko pinakulong ko na sila.



“I want Airon to die”


Nanlilisik ang mata niyang nakatitig sa akin. Nakakuyom ang kamao niya. Ramdam ang puot at galit sa taong wala namang ginawang masama sa kaniya.


“Walang ginawa si Airon and besides anong kinalaman ko rito? We are over. Wala siyang pake sa akin kaya hindi niyo na ako magagamit pa para papuntahin siya dito” mahabang paliwanag ko.

Nangyari na ito dati. The kidnap thing. I didn't expect that it would happen again.

Kasama sa fraternity si Airon or I must say a gang. Babaero siya kaya kailangan niya ng grupo na aako sa kaniya kung sugurin man siya ng lalaking naghahabol sa niloko niya.

Nagkataon na nagkagulo ang lahat dahil kay Airon nang malaman na aalis siya sa grupo. May kagrupo sila na may gusto sa kaniya. Nagkataon na girlfriend siya ni Zig. Nagpakamatay ang babae nang umalis si Airon.

Kaya ngayon, gustong patayin ni Zig si Airon bilang ganti. Ginawa na niya ito dati pero mabuti na lang nakaligtas kami. Sa pangyayaring ‘yun pansin ko na hindi kaya ni Zig pumatay. Kaya niya lang manakit pero ang pumatay. Hindi niya kaya.


“He still cares about you, bitch. Do you think I don't have a spy?”



Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niyang spy? Binabantayan niya ba kami habang nasa kulungan siya?


“Confuse huh?”



Sinensyasan niya ang dalawang bantay na hindi ko napansin kanina. Lumabas sila saglit. Pagbalik may kasama na silang isa pa. Gusot-gusot ang damit niya. Halatang nanghihina. Halos malasog ang mukha niya dahil sa sugat.




Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng bugbog na mukha. Nagdudugo ang labi niya at may ilan na siyang pasa sa mukha. Pati na rin sa braso at paa may mga gasgas at pasa.



Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon