Chapter 8

400 27 25
                                    

Chapter 8:
Friends

Matapos ang araw ng nangyari sa ice cream parlor, hinayaan ko na si Xzyr na lumapit lapit sa akin sa school. Palagi na kaming magkasama dahil para siyang anino.

Minsan nakakairita dahil sobrang niyang moody. Daig niya pa ang babaeng may pms sa dali niyang magbago ng mood.

Minsan nga iniiwan ko na lang siya sa kung saan dahil naiirita ako sa kaniya.

Nameet ko na rin sa pangalawang pagkakataon si Khyle. Kaibigan pala siya ni Xzyr. Magkaroom mate daw sila sa isang dorm na malapit sa school.

Nalaman ko rin na galing sa broken family si Xzyr. Anak siya sa labas ng tatay niya kaya hindi ito nakatira sa poder niya. Simula ng mamatay ang nanay niya sa cancer, tatay niya na ang nagbibigay ng allowance sa kaniya.

Wala naman siyang problema doon. Mas mabuti nga daw yun para sa kaniya.

"Hoy!"

Nagitla ako sa biglang lumitaw sa harapan ko.

"Wala ka bang magawa sa buhay?"

Nakakairita talaga itong lalaking ito. Bakit ba siya nandito sa library?

Naalala ko tuloy yung unang pag-uusap naming.

"Ano bang ginagawa mo dito? Para kang kabuti"

Ginulo niya ang buhok ko bago tumawa. Mahina lang pero bakas sa mata niya tuwang tuwa siya.

"Ang funny mo talaga noh? Ang sungit"

Nginisian ko na lang siya. Minsan na wwirduhan ako sa lalaking ito. I mean, palagi pala.

"Saan tayo magllunch mamaya?"

Wala akong klase ngayon. Vacant ko ng 2 hours, I mean 3 hours kasama na ang lunch break. Hindi ko lang alam kung vacant o nagcutting itong si Xzyr.

"Sa cafeteria" sagot ko sa tanong niya

"Sa iba naman tayo kumain"

"Saan naman?"

Hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Nakatutok lang ang mga mata ko sa librong binabasa.

"Doon sa bagong bukas na restaurant malapit dito! Masarap daw doon sabi ni Khyle"

Tinanguan ko lang siya para matamos na ang kakadada niya.

Ilang minuto pa, hindi na siya nagsalita. Liningon ko siya. Nakapatong ang ulo niya sa lamesa. Nakapikit ang mga mata niya habang ang bibig ay kaunting nakabukas.

Natawa ako sa itsura niya. Agad kong kinuha ang phone ko bago maingat na kinuhanan ang panget niyang pwesto sa pagtulog.

"Pwede bang makiupo?"

Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat.

Tinignan ko ang babaeng nagsalita.Si Vervon

"Sure. Umupo ka lang"

Nginitian ko pa siya para mas maparating na ayos lang na makishare siya ng table.

Binuklat niya ang hawak niyang libro kanina kaya nakita ko ang title ng libro. Iyon ang libro na binabasa ko lang nung nakaraang araw. Ang Redrum Yretsim High

"Binabasa mo rin pala yan"

"Oo, ang tagal ko ngang di nabasa ulit ito dahil may mas naunang kumuha ata"

Napatahimik na lang ako. Baka kasi ako yung sinasabi niya na may naunang kumuha.

Nginitian ko na lang siya bago tinuon ulit ang atensyon sa binabasa.

Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon