Chapter 18

367 18 1
                                    

Chapter 18 - Bitch

Mabilis lumipas ang araw. Halos limang buwan na ang nakakalipas simula ng mamatay si Airon.

Magbabakasyon na pero wala pa rin kaming balita kay Xzyr. Balita ko kay Khyle napasok siya pero hindi siya nagpapakita sa amin.


Mukhang iniiwasan niya kami.

Malakas ang ihip ng hangin kaya hirap akong sindihan ang kandila. Diniligan ko na rin ang halamang kakadala ko lang nung isang araw. Ngumiti ako ng matamis pagkatingin ko sa puntod ni Airon

"Hi Airon, Malapit na uli ang bakasyon. Everything became smoothly pero hindi pa rin ako sanay na wala ka” Dahan-dahan akong umupo sa damuhan. Nag-indian seat at nangalumbaba

"Miss ka na namin dito. Limang buwan na rin nung wala ka but don't worry good girl ako dito." Tila ang matamis kong ngiti kanina ay naglaho na parang bula. Naging isang tipid na ngiti na lamang ito


"I really miss you so bad" Tumingin ako sa langit at pumikit. Dinama ang ihip ng hangin na humahampas sa mga balat ko.

Ang ganda ng klima ngayon. Maaraw ngunit hindi mainit. Malamig pero hindi umuulan. Katamtaman lang. Ang presko

Napamulat ako ng may maramdaman na may taong nasa gilid ko. Nakatalikod siya sa akin at nakatayo. Inilagay niya ang bulaklak sa puntod ni Airon bago inilagay sa likod ang dalawa niyang kamay

"Wassap, Dude?" Tinaasan ko ng kilay si Xzyr na parang hindi niya ako nakita


"Mabuti naman na ayos ka lang jan. Ayos lang din naman kami dito. Wag mong papabayaan ang sarili mo jan at wag kang mag-alala. Ako ng bahala kay Dana" Mas lalong tumaas ang isang kilay ko ng lumingin siya sa akin habang nakangisi.

'What's up with that smirk?'

"Kaya ko ang sarili ko. I don't need your accompany"

"Well, kinausap ako ni Airon. Dating dati pa. Pinaabantayan ka niya sa akin" Nakacross-arm na siya ngayon habang nakangisi. Para bang nang-aasar

"Airon doesn't use trust" Ngisi ko rin. I'm not a baby anymore. Hindi ko siya kailangan. He is my friend and not my bodyguard.

"Bakit wala pa rin siyang nabubuntis?"

Nanlaki ang mata ko pero bumalik rin agad sa dati niyang sukat. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya

"Fine… Give up na ako pero seryoso sa akin ka hinabilin ni Airon" Nakangiti na siya ngayon. Yung ussual niyang ngiti. Yung di masyadong malaki at hindi rin nakalabas ang ngipin

Ang kapal niyang sumulpot ngayon na parang hindi niya kami iniwasan ng ilang buwan.

"Pati ba naman si Airon? Please stop. Kaya ko ang sarili ko without any help"


Hindi ko na lang siya pinansin. Namayani ang katahimikan sa amin. Gusto ko siyang tanungin kung anong ginawa niya sa loob ng limang buwan pero nahihiya akong mag open up ng topic.



Dahan-dahan naman siyang tumayo. Pinagpag niya pa ang pwetan niya bago seryosong tinignan ako

"Can I give you a ride? Maganda ang klima ngayon zero percent chance of rain" Natawa kami parehas sa sinabi niya. Para siyang news anchor.

Tinulungan niya akong makatayo. Nagpaalam muna kami kay Airon bago dumeretsong pumasok sa kotse ni Xzyr. Sa passenger seat ako umupo. Ayaw niya daw magmukhang driver.

Wait nga—Kailan pa siya natutong magdrive at kailan pa siya nagka kotse?

Magtatanong na sana ako ng magsalita na agad siya.

Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon