Chapter 22

1.2K 36 3
                                    

Someone's POV

Malakas ang ulan sa labas dahil sa bagyo, pero ginusto niyang makipagkita sa akin. Nagulat ako ngunit pumayag din ako dahil ngayon lang ulit kami magkikita.

Tumunog ang bell na nakasabit sa pinto nang bumukas ito kaya lumingon ako dito. Dumating na ang hinihintay ko.

"Nakakagulat dahil bigla mo kong inimbitahan." wika ko sa kanya pag upo niya sa harapan ko.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang sakin.

Ang kulay itim niyang mga mata, na ngayon ay walang emosyon ay nakatitig lang sakin.

"Alam mo na ano?" tanong ko sa kanya.

Dahan dahan siyang tumango.

"Pero... Bakit?" mahinang tanong niya. O mas magandang sabihin na natural niyang boses iyon.

"You've been in our clan before, right? Alam mo ang katotohanan."

Muli ay dahan dahan siyang nagsalita.

"Oo... alam ko... ang pakay niyo..."

I smirked. "Hindi mo man lang sila tutulungan? O hanggang ngayon ay takot ka pa rin?"

There's a hint of irritation behind her emotionless eyes.

"Magkakagulo... kapag nalaman nila... hindi ako... mangingielam..."

Tumaas ang kilay ko.

"Kahit napapahamak na ang mga kaibigan mo?"

She cast down her eyes.

"Alam mo... ang nangyari... sa basement... di ba?"

Natahimik ako. Kinukunsensya niya ba ko?

"Oo. At wag kang mag alala dahil hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ang ginawa ko sayo. Masaya ka na?"

Wala siyang reaksyon, pero muli siyang nagsalita.

"Kapag... nangyari na ang... kinatatakutan ko... asahan mo... na lalaban ako... lalabanan ko kayo... kahit ikamatay ko pa..."

For the first time, she glared at me.

"At... kapag nalaman... na nila... ang totoo... nang dahil sa inyo... asahan mo..."

Tumayo siya at tinignan ako ng nakakatakot.

"Ako mismo... ang papatay... sayo..."

With that words, she leave like nothing happened. I clenched my fist and gritted my teeth.

Alam niya ang plano namin, pero hinahayaan niya lang. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya sa banta ng boss namin noon.

"Kapag nangielam ka. Papatayin ko silang lahat, pero kapag itinago mo ang sikretong ito, bubuhayin ko sila. Hayaan mong ibigay namin ang kaparusahan na nararapat sa angkan nila dahil sa pagnakaw nila sa kayamanan namin..."

Lumingon ako sa bintana kung saan ay nakikita ko siyang naglalakad sa gitna ng ulan.

Ano bang pinaplano mo?

"Urd..."

Ash's POV

Dahil sa bagyo ay ipinagpaliban muna namin ang date namin ni Megumi, kaya nandito ako ngayon sa kwarto at nakahilata sa kama.

To: Megumi

'Drink some warm milk, para hindi ka lamigin. :)'

I smiled as I read my own message.

*buzz*

From: Megumi

'Yes. :) Bumili na ako sa convenience store. Ikaw din, uminom ka ng mainit para hindi ka lamigin.'

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon