Chapter 27

1.2K 30 2
                                    

Ash's POV

Nasa ospital ako dahil ngayon ang labas ni Caius. Gusto sana ni Sir Claude na siya ang mag uwi sa anak niya pero busy siya sa Casino kaya kami na lang nila Ate.

Si Belldandi at Kuya Artix kasi ay busy din sa mga trabaho nila, si Kuya Asena naman ay out of town dahil sa business, kaya sina Urd at Skuld lang ang kasama namin ni Ate. Pero nangako naman sila na pupunta sa party na ihinanda namin para kay Caius ngayong weekend.

"Ash, dahan dahan! Ugh, makirot!" angal ni Caius nang hawakan ko ang braso niya na naka cast.

"Dinadahan dahan ko! Geez, ang tigas kasi ng ulo mo." sagot ko sa kanya habang inaalalayan siyang maupo sa wheel chair.

Ayaw pa talaga siya payagan ng doktor na lumabas, pero sobrang kulit niya kaya pumayag na rin yung doktor dahil nabawasan na rin naman ang pamamaga ng balikat niya.

"Tapos na kami mag ayos ng gamit, tapos na rin ba kayong magbangayan na dalawa?" tanong ni Ate habang bitbit ang bag ni Caius.

"Yeah, let's go."

Lumabas kami ng kwarto at sumakay sa elevator papuntang lobby. Habang naglalakad ay walang kupas naman ang pagbibilin ni Ate kay Caius.

"Wag ka munang magtrabaho, bawal mapwersa ang katawan mo. Si Sir Claude daw muna ang bahala sa Casino habang nagpapahinga ka. Yung mga kailangan mong pirmahan, dadalhin na lang daw sa mansyon ninyo at siya na rin ang magrereview para hindi mo na basahin at pipirmahan mo na lang. Basta wag ka muna kumilos ng kumilos dahil baka lalong lumala yang balikat mo."

"But-"

"No buts, Caius Klaine. Sundin mo na lang ako at ang payo ng doktor. Wag matigas ang ulo!"

I laughed when Caius pouted. Kahit ako ay walang panama kay Ate kapag umiral na yung pagiging Ate niya. And once she called you in full name, ibig sabihin ay seryoso siya at kapag sinubukan mong suwayin ang sinasabi niya, malalagot ka.

"Okay, Maam..."

Ate smiled in satisfaction. "Good.."

Sumakay na kami sa kotse ko at ihinatid si Caius sa mansyon nila. Pagdating sa mansyon ay sinalubong naman kami ng mga katulong nila at sila na ang nagbitbit ng mga gamit ni Caius. Inaalalayan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.

"Thank you for taking the trouble of sending me home..." wika ni Caius nang maiayos na namin siya sa kama.

"Nah, it's fine."

*ring*

Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Megumi.

"Ash Grey..."

Hmm? That's strange...

"Ash?" ulit niya nung hindi agad ako sumagot.

"Ah, yes sorry. Nasaan ka na?"

"Nasa park na ko. Kararating ko lang..."

"Okay, give me ten minutes. Papunta na ako, hinatid ko lang si Caius..."

"Okay. Ingat ka ha, I love you..."

Huminga ako ng malalim para pigilan ang kilig na nararamdaman ko. Nakakahiya, nandito ang kapatid ko.

"Y-Yeah, i love you too..."

Nang matapos ang tawag ay biglang lumapit sakin si Ate. She's smirking, and I gulp nervously. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol samin ni Megumi!

"Aha! May hindi ka sinasabi sa amin Ash no?!"

"W-what? I'm not keeping any secret!"

"Wag kang joke, Ash! Bakit ka mag-ii love you kay Megumi if that was nothing?"

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon