Chapter 26

1.2K 32 6
                                    

Aria's POV

"Asena?"

Nagpunta ako sa kusina para hanapin si Asena pero hindi ko siya makita.

"Asena? Nasaan ka ba?"

Kakatapos ko lang kasi mag shower at ang sabi niya ay tawagin ko siya dahil maliligo din siya.

Narinig kong bumukas ang front door kaya nagpunta agad ako sa living room.

"Saan ka galing?" tanong ko nang makita ko na si Asena ang pumasok.

"I just bought something." he said and raised thw brown bag he's holding.

"Ano yan?"

Lumapit ako sa kanya nang maupo siya sa sofa.

Inilabas niya sa brown bag ang limang box ng desserts.

"You're into sweets Asena?"

He nodded. "Yeah, pampatanggal ng stress."

Mula sa bag ay may nilabas din siyang notebook. Na may nakalagay na 'Baby and Pregnancy Book'. My eyes widen.

"Anong gagawin mo diyan?"

He laughed when he saw my reaction. "What? I want to study how to take care of you when you get pregnant and for our baby."

Bigla tuloy akong napatingin sa tiyan ko. We're engaged already, marriage and baby na lang ang kulang sa aming dalawa. Maybe he wanted to have a baby soon? Nasa tamang edad naman na kami, I'm 23 and he's 27. Although mas bata ako sa kanya, I am ready to start a family with him.

"So, when a pregnant woman is having contradictions you should breathe together to guide her breathing. Breathe in, then breathe in again, and exhale softly with 'ahhhh' sound."

I giggled when he's reading it with a serious face. Nakakunot pa ang noo niya.

Habang nagbabasa siya ay inayos ko naman ang pinamili niya at gumawa ng tsaa. Nakakunot pa rin ang noo niya nung bumalik ako sa living room.

Hinayaan ko muna siya magbasa at kinuha ko naman ang diary ni Lola Ariadne sa drawer at binuklat ito. Malabo na ang ilang salita dito kaya iilan na lang ang nababasa ko ng maayos.

'Isinilang ng ikalawang tagapagmana ang kanyang anak. At pinangalanan itong Alyn----'

'Ang alam ng lahat ay namatay siya, pero kaming mga nakasaksi, alam namin na ang unang tagapagmana ang pumatay sa kanya----'

'Alam kong gusto niyang makita ang bata, ngunit hindi maaari. Para maibsan ang pangungulila niya, ipinadala ko sa kanya ang larawan at guwantes ng bata---'

Ang larawan at guwantes na tinutukoy dito ay yung nakuha ko sa secret room ni Mommy Yuri.

Pangungulila? Bakit? Bakit mangungulila si Mommy Yuri kay Alyn W.? At sino ang tinutukoy dito na una at pangalawang tagapagmana?

I was lost in thought when Asena called my name.

"Aria?"

"Yes?" nilingon ko siya, and he had this alluring smile on his face. Alam ko na ang ibig sabihin nun, maglalambing siya sakin.

Hinapit niya ang bewang ko at yumakap sakin.

"What name will you give to our baby when the right time comes?"

Natawa ako dahil para siyang bata na nagtatanong.

"Hmm, hindi ko pa alam. Wala pa kasi ako nun."

He pouted. "Dali na, if you can't think of a name right now then I will..."

"If it is a boy, I want to name it 'Naoya'".

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon