Chapter 32

1.2K 34 3
                                    

Aria's POV

Hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko nang mabasa ko ang nilalaman ng diary.

"Ash..." bulong ko sa pangalan ng kapatid ko at umiyak.

Paano ko tatanggapin to? Paano namin tatanggapin ito? Anong mangyayari sa pamilya namin kapag nalaman nila ang totoo?

Muli kong binasa ang nakasulat sa huling pahina ng diary.

'Kung sino man ang makakadiskubre at makakaalam ng nilalaman ng diary na ito. Patawad. Patawarin mo rin sana ako, Lyrica...'

Paano ko sasabihin kay Mama? Ayokong malaman niya, pero unfair yun. Kailangan. Kailangan kong sabihin, pero masasaktan si Ash!

Iniwan ko ang diary sa lugar na yun at lumabas ng secret room ni Mommy Yuri.

Umuwi ako sa bahay, sa mismong bahay namin. Nang wala na ang bakas ng luha sa mga mata ko ay pinilit kong ngumiti. I want to be energetic when I faced them. Mapapansin nila na may mali kapag malungkot ang mukha ko.

"Mama! Papa!" tawag ko sa kanila pagpasok ko sa kusina. Nasa garden silang pareho at nagmemeryenda.

"Oh, ikaw pala anak.."

"Hey, princess..."

Lumapit ako sa kanilang dalawa at humalik sa parehong pisngi nila.

"Wow! Cookies!"

Sumingit ako sa pagitan nilang dalawa at nakikain. Umakbay sakin si Papa.

"Aria? What's wrong?" tanong ni Papa. Bigla akong napahinto. Obvious ba na pinipilit ko lang ang sarili ko na ngumiti?

"B-bakit po, Papa?"

"Kapag ganyan ka kakulit, I know something is wrong..."

Ugh, but I can't tell them yet what I've discovered. Nang kinagat ko ang labi ko at hindi umimik ay niyakap ako ni Papa.

"You missed Asena, don't you?"

Huh?

Tumingala ako kay Papa.

"Asena will stay there for two weeks, right? I know you miss him already..."

O-Oh.... I completely forgot about it!!

"U-um.. Opo, namimiss ko na si Asena..."

Nagsalita naman si Mama.

"Tutal matagal mawawala si Asena, bakit hindi ka na muna dito sa bahay mag stay? Mag isa ka lang dun sa condo niyo, eh dito kasama mo kami..."

I smiled to her. "Sige po, Mama..."

Mas mabuti na rin siguro na dumito muna ako, para mapag isipan ko ng mabuti kung sasabihin ko ba sa kanila ang nalaman ko o hindi.

"Ui! Sali ako!"

Biglang dumating si Ash at nakisiksik din sa amin. Hindi ko mapigilan, pero feeling ko maiiyak ako ngayong kasama ko ang kapatid ko.

Sumiksik siya sa pagitan namin ni Mama at nakikain din.

"Naku, Ate. Mag aasawa ka na't lahat, nagpapa-spoiled ka pa rin kay Papa..." pang aasar niya dahil nakayakap ako kay Papa.

Ngumisi ako. "Inggit ka lang. Ikaw kasi hindi ka na makayakap kay Papa dahil damulag ka na. Eh ako, baby pa rin niya..."

"Eh di kay Mama ako yayakap! Payakap nga sa nanay kong maganda!"

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon