Ash's POV
Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa salamin. Ito na ang nakatakdang araw para tapusin ang larong sinimulan nila. Sa mga clue na ibinigay nila sa amin ni Ate at sa impormasyon na nakuha ni Urd sa tulong ni Clyde ay mahuhuli na namin sila at matatapos na ang lahat.
Lumabas ako ng cr ng mga lalaki at pumunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Megumi. Ginamit ko ang cellphone ko para tawagan siya, at kahit biglaan ay pumayag siyang makipagkita sa akin.
"Ash!" Megumi smiled when she saw me so I smiled back.
"Sorry ha, bigla kitang niyaya lumabas."
"Ayos lang. Gusto ko din bumawi dahil iniwan kita noong nakaraang araw..."
"I see, so let's go?"
"Sure. Saan tayo?"
"Let's watch in cinema. May gusto kasi akong panoorin.."
"Okay..."
Pagdating sa loob ng sinehan ay nagsisimula na ang palabas kaya tahimik kaming naupo. Sa bandang gitna kami pumwesto, unang hilera. Nung nasa kalagitnaan na ang palabas ay nag paalam si Megumi na pupunta sa banyo.
"Sandali lang Ash ha..."
"Sure..."
Nang tuluyan siyang makaalis ay dahan dahan kong binuksan ang bag niya at may kinuha dito.
Napangiti ako nang kinuha ko ito. Isang tao ang dumaan sa harap ko at pasimple kong inabot sa kanya ang kinuha ko sa bag ni Megumi, nang makaalis na siya sa harap ko ay pinagpatuloy ko ang panonood na parang walang nangyari.
Pagkatapos namin manood ay niyaya ko naman si Megumi na kumain, pero bago pa man kami tuluyang makaalis ay huminto siya sa paglalakad.
"Bakit? Anong problema?" tanong ko.
"Umm, yung cellphone ko Ash. Nahulog yata sa loob, teka kukunin ko--"
"Wait." pigil ko sa kanya. "I'll go back to look for it. Dito ka na lang and wait for me, alright?" I kissed her forehead and trotted back inside the cinema.
I smiled when I saw her sitting on one of the seats. She smiled back when she saw me.
"Nice work, Ash..."
"Nagawa mo na ba, Ate?" tanong ko sa kanya.
"Yeah... He said that he'll be here in 15 minutes. It's been two minutes simula nung nagreply siya. Lumakad na kayo, Ash..." she said and handed me something.
"Yeah. I'll see you there..."
It's already 3:37, so it means that around 3:50 ay darating na siya. Agad akong bumalik kay Megumi at ibinigay ang cellphone niya.
"Here you go..."
"Oh, buti na lang at nakita mo. Thank you, Ash!"
I smiled at her. "Piece of cake, ano tara na?"
"Mhm! Let's go!"
Dinala ko siya sa isang sikat na japanese restaurant. Nagpareserve ako ng private room para may privacy kaming dalawa. May pinto sa apat na parte ng dingding, isa yung pinasukan namin kanina at yung apat? Makikita niyo na lang...
Tinignan ko ang relo ko para tignan ang oras. 3:47, he should be here anytime now.
"Megumi, wait lang ha? Titignan ko lang yung inorder ko kanina nung nagpareserve ako."
"Okay..." tumayo ako at lumabas ng kwarto. Pagkasara ko ng pinto ay agad akong dumiretso sa katabing kwarto.
Tatlong kwarto kasi ito na magkakatabi. Sa gitna ang kwarto kung nasaan kami ni Megumi, nagpunta ako sa pangatlong kwarto kung saan naghihintay si Ate.
BINABASA MO ANG
Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)
AzioneAsh Grey Rutherford- Velasquez, the second child and second in line next Mafia Boss of their clan. After his sister declined the position as the next boss, the clan is expecting him to succeed their Mother, Lyrica Adriana Rutherford- Velasquez. Bu...