Epilogue

2.1K 41 5
                                    

Someone's POV

"Freya and Freyr failed on their mission, I see..."

"Opo, Maam... Yun po ang sabi ng mga tauhan ko..."

Ngumisi ako at tumayo sa kinauupuan ko.

Hindi rin naman ako umaasa na magagawa nila ang ipinag uutos ko. Rutherford's really are incredible. Freya and Freyr are the two of my Four Generals, they are skillful enough, pero nagawa pa rin nilang matalo ang dalawang yun.

"Ayon din po sa isa nating tauhan, mukhang nakabalik na si Alyn sa tunay nitong pamilya."

"Is that so?"

I narrowed my eyes. Nakuha na nila ang dapat ay sa kanila, kaya ngayon ay kukunin ko naman ang dapat ay nasa akin.

"Ano po ang susunod nating hakbang?"

I looked at him and smirked.

"The Rutherford's are still enjoying their reunion now that the real Ash Grey is back. Let them be happy for a while. After that..."

Binuksan ko ang pinto na nasa harap ko.

"We'll take back our clan's treasure, the real Alyn. Patayin niyo ang sino mang humadlang sa misyong ito."

Nagkamali kayo ng kinalaban, Rutherford's. Hindi ko man nabigyan ng matinding kaparusahan noon sina Ariadne, Riza at Yuri, asahan ninyo na kayo ang magdudusa sa kasalanang ginawa nila.

"Masusunod po... Miss Angie.."

Aria's POV

"Happy Birthday! Happy Birthday!... Happy Birthday to you!"

Nagpalakpakan kaming lahat matapos naming kantahan sina Caius at Ash. Today is their 22nd birthday, parehas lang sila ng araw ng kapanganakan pero mas naunang ipinanganak si Caius sa oras. Maliit na salu-salo lang ang ginawa namin dahil yun ang gusto nila, pero masaya naman dahil kumpleto kaming lahat.

"Anong birthday wish niyong dalawa?" tanong ni Artix sa kanila.

"Birthday wish ko, hmm... Sana biyayaan si Caius ng kagwapuhan para hindi na ko lamang sa kanya!" biro ni Ash kaya nagtawanan kami.

"I'm fine the way I am, Ash Grey..." sagot ni Caius sa kanya.

"Ikaw Caius? Anong wish mo?"

"Wish? Hmm, maybe for Tito Lance to allow me to court Urd already..."

"Yyiiieee!!"

"Caius! I told you! 18!" sigaw ni Tito Lance na nasa kusina kaya lalong lumakas ang tawanan namin.

Pagkatapos ng maliit na party namin para sa kanila ay nagpunta ako sa sala upang tignan ang mga regalo na dumating. Maraming makukulay na sobre sa lamesita kaya tinignan ko ito isa-isa. Karamihan dito ay birthday cards galing sa mga kaibigan nila, pero isang pulang sobre ang umagaw ng atensyon ko.

"Aria?"

Nilingon ko si Mama. Nalipat ang tingin niya mula sa akin papunta sa pulang sobre na hawak ko.

"Ano yan, anak?"

"I'm not sure Mom. Okay lang kaya na tigman natin?"

"I think It's fine. Busy rin naman yung dalawa doon sa garden..."

Umupo siya sa tabi ko kaya binuksan ko amg sobreng hawak ko at binasa ang nakasulat sa card.

'Have you enjoyed your little reunion? In that case, it's time for us to move. Be prepared, Rutherfords..."

Pareho kaming natigilan ni Mama nung mabasa namin kung kanino galing ang sulat.

Nabasa ko na ito sa diary ni Mommy Yuri, ang akala ko ay nagkataon lang, pero hindi ko naisip na malalim pala ang koneksyon sa kanila ni Alyn...

Hindi biro ang angkan na makakalaban namin ngayon. Mabasa ko pa lang ang pangalan ng angkan nila ay kinikilabutan na ko sa takot.

Nararamdaman ko, na dahil sa nangyari sa pamilya namin ngayon, lahat ng nasa angkan ay nasa panganib. Muli ay binasa ko ang pangalan ng angkan nila na nakasulat sa card.

Ngayon ay tunay ko nang masasabi na magsisimula pa lang ang totoong laban.

"Wysteria..."

Hindi namin alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw, pero kung si Ash ang nakataya dito sa laban na to...

...Hinding hindi kami magpapatalo.







To be continued...

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon