Chapter 24

1.1K 34 8
                                    

Ash's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali at nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Caius kanina habang nag aagaw buhay siya sa mga braso ko. Tinulungan kami ng mga tao na nandun at isinugod siya dito sa ospital.

Nasa emergency room pa rin si Caius hanggang ngayon, at hindi ko alam ang lagay niya.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Papa. Iilang ring pa lang ay sinagot niya na agad.

"Ash Grey? Where are you? It's almost 10pm and you're not home yet. Your Mom is worried about you, hindi ka nagpaalam na aalis..." he said with a hint of worry in his voice.

I choke. "Papa, nasa ospital po ako..."

"What the-?! (Bakit Gray? Nasan daw si Ash?) What happened to you?!" hysterical na tanong niya, at naririnig ko din si Mama sa kabilang linya.

"I'm fine, Dad. It's Caius. Nabaril po si Caius, Dad.." maluhaluhang wika ko.

He fell silent for a moment.

"Papunta na kami diyan..."

I pressed the end button, and sat down on the bench...

"Ash!"

I look up when I heard my sister, followed by Kuya Asena. Siya ang una kong tinawagan kanina.

"Ate..."

I stood up and hugged her.

"Ate, si Caius... It's my fault. Kasalanan ko kung bakit siya nabaril.."

Hindi man kami blood related ni Caius, kapatid pa rin ang turing ko sa kanya. Naiisip ko pa lang na mawawala siya sa amin, hindi ko maiwasan kundi ang maiyak at magalit sa sarili ko.

"Ash Grey..." she rubbed my back. "Caius is a tough guy. Kakayanin niya to, kaya wag kang umiyak.."

I buried my face in her shoulder as I continue to sob.

Hindi naman nagtagal ay dumating din sila Mama at Papa, kasama si Mr. Claude Klaine, ang Papa ni Caius.

"Aria, Ash.. Anong balita kay Caius?" tanong ni Papa.

"Ano bang nangyari?" tanong pa ni Mama.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang buong pangyayari.

Hinarap ko si Mr. Claude "Sir, I'm sorry po. Kasalanan ko ang nangyari kay Caius..."

Umiling siya. "It's not your fault, Ash. At alam kong yun din ang sasabihin ni Caius."

May silencer ang baril na ginamit kay Caius, nakaksiguro ako dun dahil wala kaming narinig na putok kanina ganun din ang mga tao na nasa park. Pero ang nakakapagtaka ay walang nakakita sa kung sino man ang bumaril sa kanya.

Napalingon kaming lahat nang bumukas ang pinto at lumabas ang doktor

"Dok, kamusta po si Caius?" tanong ko.

Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. "Maayos na ang pasyente..."

Nakahinga kaming lahat ng maluwag nang sabihin niya yun.

"Pero maraming dugo ang nawala sa pasyente kaya kailangan siyang masalinan agad.." dagdag ng doktor.

"Ano po bang blood type niya?" tanong ni Ate.

"AB-"

"Wha?!"

AB- that blood type is rare!

"Seryoso kayo dok?" paninigurado ko.

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon