Chapter 1

4.1K 69 4
                                    

Ash's POV

"Congratulations!"

"Salamat po..."

"Ui! Congrats sa anak ninyo Lyrica at Gray!"

"Maraming salamat..."

Pagkatapos kaming batiin ng mga kakilala namin ay pumasok na kami nila Mama at Papa sa venue..

"Oh, ayan na pala sina Lance eh.." wika ni Mama habang kumakaway sa kanila.

"Lyrica, Gray.." humarap sakin si Tito Lance. "Congrats, Ash."

"Thank you, Tito..."

Humarap naman si Mama kay Belldandi.

"Belldandi, congratulations din sayo! Graduation niyo na ni Ash!"

"Opo nga eh! Thank you, Tita!"

Gaya ng sabi ni mama, ngayon ang Graduation namin. Business course ang kinuha namin ni Belldandi, kaya graduate na din ako sa apat na taon na pag titiis sa kaingayan niya. Buti na lang. Buti na lang talaga.

Nagpalinga linga ako dahil hinahanap ko ang isang taong nangako na pupunta siya ngayong araw.

"Celebrity ba sila?"

"Yata.. grabe ang ganda at ang gwapo!"

"Mag jowa kaya sila?"

"Mag asawa na yata, parehas silang may singsing eh.."

Nagkatinginan kaming lahat nung narinig namin yung usyoso ng mga tao habang may tinatanaw sa labas ng venue.

Agad kaming lumabas, at sakto naman na nakita namin ang dalawang tao na nasa tapat ng puting kotse.

"Kuya! Ate!"

"Ash!"

Kumaway sila sa amin at lumapit. No wonder why the people think that they are a celebrity. Grabe kasi ang mga ayos nila, parang kasal ang pupuntahan.

Kuya Asena is wearing his three piece suit, at si Ate Aria? She's wearing a pure white dress.

"Saan ang kasal Ate?" biro ko kaya hinampas niya ako sa braso.

"May pupuntahan kaming party, pero nagsabi kami na malelate dahil graduation mo. Last time na to no! Kaya kailangan kasama mo ang maganda mong Ate!"

I laughed at her words. Well, she's right though. After her engagement with Kuya Asena, lalong gumanda si Ate. She looks even more gorgeous than before.
****

"Nice, Ash. You really do make us proud! Ikaw din Belldandi!",

"Hehe! Thanks, Ate Aria!"

Cum Laude kasi si Belldandi, at ako hmm.. kasama lang kasi ako sa Dean's Lister. But hearing those words from my sister, proud na proud na ako sa sarili ko.

Kumain kaming lahat sa labas at nanlibre si Tito Lance. Tapos ay nagpaalam na silang aalis, dahil may trabaho pa sa opisina si Tito at may party na pupuntahan sina Ate.

"Oh, Yes. Before we forgot."

Kuya Asena gave me a box wrapped in a gold cover.

"Ano 'to Kuya?",

"It's our present for you. Congratulations, Dean Lister, Ash." then he winked.

Excited ko naman binuksan ang regalo nila.

"Thank you, Kuya!"

Play Station 4! Palagi akong nagsasabi kila Mama at Papa na kapag nakagraduate ako ng college ay bilhan nila ako nito, pero hindi ko inaasahan na sina Ate at Kuya Asena ang magreregalo sakin!

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon