Chapter 35

1.4K 35 3
                                    

Aria's POV

*beep* *beep* *beep*

Ano na nga ba ang nangyari simula nung nalaman nila ang totoo? Hindi ko alam kung ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung araw na yun, pero ang tanda ko lang ay ang mukha ng mga magulang ko at ni Ash.

Flashback...

Pagkatapos kong sabihin sa kanila ang nabasa ko sa diary at ang mga larawan na nakita ko doon, halos hindi na makahinga si Ash at nananatili lamang nakatayo.

"T-Totoo ba, Ate?" tanong niya na para bang bata na nawalan ng magulang.

Nanginginig ang mga labi niya at namumuo ang luha sa mga mata niya.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang kapatid ko. Simula nung mga bata pa kami, si Ash ang palagi kong kasama at tanging kapatid, halos siya na nga ang kalahati ng buhay ko dahil hindi ko siya maiwan iwan noon. Sa tuwing malungkot siya dahil hindi siya makapaglaro sa labas ay ako ang gagawa ng paraan para pasiyahin siya.

Mahal na mahal ko ang kapatid ko at alam kong ganun din siya sakin. Nagbabangayan man kami minsan pero dahil yun ay kumportable at kilala na namin ang isa't isa. Kaya sa nangyari ngayon, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa aming dalawa. Hindi lang sa amin kundi pati kila Mama at Papa.

"Ugh... Haa... Uhn!!"

Muli akong tumingala upang tignan ang kapatid ko. Nataranta ako nang makita ko ang mukha niyang namumutla at nakahawak siya sa dibdib niya.

"Ash!!" sigaw ko nung bumagsak siya.

Agad namin siyang nilapitan. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa dibdib niya.

"A-Ate.."

End of Flashback...

Nasa ospital pa rin si Ash ngayon at may nakakabit sa kanyang mga aparato. Simula nung binigay sa kanya ni Mommy Yuri ang puso niya, hindi na gaanong inaatake si Ash, pero sa dami ng nangyari ngayon, sa panloloko ni Freya at sa katotohanan na nalaman niya, hindi niya na siguro kinaya.

Minahal niya ng totoo si Freya nung nagpapanggap pa itong si Megumi. Ayaw na ayaw ni Ash sa mga babae dahil karamihan daw clingy, maarte, maiingay at kung anu ano pa. Kaya nung nalaman ko na may nagugustuhan na siya ay naging masaya ako para sa kanya.

Pero isa lang pala yung panloloko.

Naisara ko ng mahigpit ang mga kamay ko nang maalala ko ang mukha ni Ash nung sinabi niya sa akin na si Megumi at Anri ang caller namin. Nanggigilaiti pa rin ako sa galit ko kay Anri o Freyr pero ang mas ikinakagalit ko ay ang ginawa sa kanya ni Megumi.

Nasaan na nga ba ang dalawang yun? Nasa hideout sila at nakakulong. Ayoko pa silang kausapin dahil baka kung ano pa ang magawa at masabi ko dahil sa kawalang hiyaang ginawa nila sa pamilya ko.

"Ate?"

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Skuld.

"Skuld... nasaan na daw sina Mama?"

Naupo siya sa tabi ko. "Papunta na daw sila dito. Sasabay na ata sila kila Papa..."

"I see..."

Natahimik kaming dalawa, pero nagsalita siya ulit.

"Ate? Hindi mo ba kakausapin si Kuya Caius?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. Pagkahatid namin kay Ash sa ospital ay bigla na lang din nawala si Caius kaya hindi pa namin siya nakakausap. Alam kong nahihirapan din siya sa nangyayari ngayon. Lalo na ngayon, nakakapanibago dahil sa nalaman ko ang totoo na siya ang kapatid ko.

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon