Chapter 34

1.4K 40 5
                                    

(A/N: Guys! Ilalagay ko na lang to sa POV ni Yuri pero ito yung nakasulat sa diary, okay? Baka mahirapan kasi kayo intindihin kapag nilagay ko sa POV ni Aria... Anyway, it's revelation time! Enjooooy!~)

Yuri's POV

Nagpunta ako sa isang apartment kung saan ako makikipagkita sa dalawang kaibigan ko.

"Ariadne, Riza... Anong problema?" ipinatawag nila ako dahil kailangan nila ng tulong.

"Si Angie, Yuri. Mukhang hindi niya pa rin matanggap na si Remia ang tagapagmana ng angkan. Narinig namin ang plano niya, gusto niyang patayin si Remia lalo na ang bata na nasa sinapupunan nito."

"Kung mamamatay si Remia at ang anak niya, walang ibang hihirangin na tagapagmana kundi si Angie, at yun ang plano niya."

"Pero nasaan si Remia ngayon?" tanong ko pa.

"Dinala ko siya sa isang bahay bakasyunan na pag mamayari namin ni Edward, hindi alam ni Angie na may nalalaman na kami sa plano niya kaya't sinabi namin sa kanya na kailangan dalhin si Remia sa ospital dahil delikado ang ipinagbubuntis niya. Hindi rin alam ng buong angkan na buntis siya, tanging ang mga taga sunod lamang ni Remia." sagot ni Ariadne.

"Kaya't kailangan namin ang tulong mo, Yuri..."

"Oo, sige. Sabihin niyo lang sa akin ang mga kailangan ninyo, pero ipangako ninyo na wag niyo kay Seth ang tungkol dito..."

Hindi magkasundo si Seth at ang boss nila kaya tiyak ako na magagalit yun, pero kaibigan ko sina Ariadne at Riza, kailangan ko silang tulungan. Wala silang kinalaman pati si Remia sa alitan nila kaya labas sila doon.

*****

"Mama? Mama! Ohh!"

Mabilis kong dinaluhan ang anak ko na nasa living room nang marinig ko ang sigaw niya.

"Lyrica? Bakit?! Anong problema?!"

"Ma, *huff*... *huff*... manganganak na-- yata ako!"

Agad ko siyang dinala sa ospital sa tulong ng driver. Dinala siya sa emergency room at tinawagan ko ang asawa ko na nasa ibang bansa kasama si Gray dahil sa business trip.

"Hello? Yuri?"

"Seth! Nasaan si Gray?"

"Nandito siya kasama ko, kakatapos lang ng meeting. Bakit? May nangyari ba kay Lyrica?"

"O-Oo... Nasa ospital na kami, manganganak na si Lyrica!"

"What?! Nasaan si Aria?"

"Iniwan ko siya sa bahay nila Violet at Lilia..."

"Okay, susubukan namin makauwi ngayon ni Gray. Take care of our daughter.."

"Sige, mag iingat kayo..."

Pagkatapos ng tawag kay Seth, maya maya ay nag ring ulit ang phone ko.

"Riza?"

"Yuri! Manganganak na si Remia!"

"G-ganun ba? D-dalhin niyo siya dito sa ospital, nandito rin ako. Bilisan niyo!"

*****

Pagkatapos ng ilang oras ng pagla-labor ay dinala na ang anak ko sa delivery room.

"Mm! Mama!"

"Kaya mo yan, anak..."

"*huff...* *huff...*"

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon