Ash's POV
Ngiting ngiti akong lumabas ng kwarto at bumaba sa living room.
"Oh, anak. Ang saya mo ata ngayon?" tanong ni Mama na gumagawa ng meryenda.
"Eh kasi ma, may date ako ngayon..."
Yumakap ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Alis na ko ma. Si Papa?"
"Nasa garden. Magpaalam ka muna sa kanya..."
Lumabas ako sa garden at nakita ko si Papa na nakupo at nakakunot ang noo.
"Papaaaa~!"
Lumingon siya sa akin kaya umakbay ako sa kanya.
"What's with your perfume, son? Ang tapang masyado..."
"Huh? Eh yung sayo to dad eh-- Aray!"
Napangiwi ako nang pingutin niya ang tenga ko.
"As I thought. Kaya pala nawawala ang pabango ko, you took it from our room!"
Hinimas himas ko naman ang tenga ko na hinila niya.
"Eh kasi Papa gustong gusto ni Mama amoy mo.. Baka, alam mo na... Magustuhan din ni Megumi..."
He shook his head. "Not all girls are the same, bumili ka ng sarili mong pabango!"
"Sige na nga Pa..." I pouted. "Alis na ko Dad, wish me luck!"
"Yeah, good luck!"
Nagdrive ako paalis sa bahay at pumunta sa mall kung saan kami magkikita ni Megumi... Maaga pa ko ng 20 minutes, maghihintay na lang siguro ako.
Pagbaba ko sa parking lot ay nagsimula na akong maglakad. Papunta na sana ako sa back entrance ng mall nang may marinig ako.
"Ano nang plano mo?"
"Hindi ko pa alam. Naiinip na ko kaya mabuti pang madaliin na natin..."
Pamilyar sa akin yung isang boses pero yung isa ay hindi.
"Pati ba ang mga kaibigan niya ay idadamay mo na?"
"Oo... nang sa ganun ay bilis bilisan niya na ang kilos niya."
"Pero gaya ng plano, hindi natin siya sasaktan kundi ay malalagot tayo kay Angie..."
"Hindi talaga dahil siya ang pakay natin. May balita ka na ba kay Urd?"
"Wala pa. Hindi ko pa siya nakikita, pero takot ang isang yun kaya sigurado ako na hindi niya pa sinasabi sa magkapatid ang tungkol sa larong kinasasangkutan nila..."
"Mabuti naman kung ganon. Halika na, baka may makakita pa sa atin na magkasama tayo.."
Lumabas ako sa pinagtataguan ko nang wala na ang yabag ng mga paa nila.
Sino ang kasama niya? Tinatraydor niya ba kami? Pero bakit? Binaggit niya ang pangalan ni Urd at Angie- na hindi ako pamilyar.
At isa pa, sinabi niya ang tungkol sa laro at kaming magkapatid? Ibig sabihin ay si Ate ang isa pang kalaro nila?
Wala silang binanggit na pangalan, pero tingin ko ay ako ang pinag uusapan nila.
******
"Ash?"
"Yes?"
Nilingon ko si Megumi nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Tulala ka na naman..."
BINABASA MO ANG
Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)
AcciónAsh Grey Rutherford- Velasquez, the second child and second in line next Mafia Boss of their clan. After his sister declined the position as the next boss, the clan is expecting him to succeed their Mother, Lyrica Adriana Rutherford- Velasquez. Bu...