Chapter 36

1.7K 40 1
                                    

Aria's POV

Tumango tango si Sir Claude at tinignan ang malaking portrait ni Caius na nasa dingding. Bukod dun ay may isa pang portrait ng batang lalaki na katabi lamang nito.

"Yung isang portrait na katabi ng kay Caius, yan ang totoo kong anak. Siya ang totoong Caius Klaine..."

Nakatingin siya dito habang malungkot ang mga mata niya.

"Namatay ang anak ko noong pitong taong gulang siya dahil sa pagkakalunod. Namatay ang ina niya dahil sa panganganak sa kanya, at dahil sa takot ako na baka may mangyaring masama sa anak namin, hindi ko siya ipinakilala sa publiko."

"Suplado siya minsan, pero mabait siyang bata. Mahal ko ang anak ko dahil siya na lamang ang natitirang alaala sakin ng asawa ko, pero agad din siyang binawi sa akin. Pagkatapos ng libing niya ay at isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho. Halos araw araw ako sa casino at wala akong tulog, hanggang sa isang araw ay may nakilala akong batang lalaki...."

"Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa Casino ko, nakita ko na lang siya na nanonood sa mga naglalaro ng poker. Tinuturuan niya pa nga ang isang patron hanggang sa manalo ito. Nagtataka ako pero natutuwa din dahil sa murang edad ay marami na siyang alam sa mga ganon. Dinala ko siya sa office ko at kinausap..."

"Doon niya sinabi sa akin na naglayas siya, gusto niyang makita ang totoong pamilya niya, nakita ko ang mga determinasyon sa mga mata niya at bigla ko na lang naramdaman na, gusto ko siyang tulungan..."

Ngumiti siya na para bang kahapon lang nangyari ang mga ito.

"Tinanong ko kung ano ang pangalan niya, pero ayaw niyang sabihin. Wala daw siyang pangalan. Hindi daw siya si Alyn at hindi rin siya si Ash Grey. Kaya, doon ko naisip na ibigay sa kanya ang pangalan ng yumao kong anak. Si Caius Klaine..."

"Tinanggap niya ang alok kong tulong sa paghahanap sa totoong pamilya niya, pero ang kapalit nun ay siya ang tatayo kong anak. Ituturo ko ang lahat sa kanya tungkol sa paghawak sa Casino, hindi naman siya tumanggi dahil hilig niya na rin ito."

"Unti unti niyang sinabi sakin ang tungkol sa pagkatao niya. Kung saan siya galing, sino ang pamilya niya, lahat lahat! Hanggang sa dumating ang araw na natagpuan na namin kayo..."

"Nakilala niya ang Lolo ninyo, si Sir Seth Vincent. Siya ang mentor ko noon kaya nakilala din siya ni Caius. Sa tuwing bibisita siya dito sa mansyon, palaging nagmamadali si Caius upang salubungin siya. Nakikipaglaro siya dito, pero kahit isang beses ay hindi niya binaggit kay Seth ang tungkol sa kanya...."

"Lumipas ang panahon. Alam niya na kung saan kayo nakatira, nagpupunta siya pero hindi siya lumalapit sa inyo. Gusto niyang magpakilala na siya ang totoong Ash Grey, pero sa tuwing magpupunta siya ay nakikita niya kung gaano kayo kasaya sa piling ng kinikilala mong kapatid ngayon. Nawalan siya ng pag asa, umatras siya sa planong magpakilala sa inyo at hindi na ulit bumalik upang silipin kayo. Nainggit siya at nasasaktan, pero tiniis niya yun dahil alam naman niyang masaya kayo. Isinakripisyo niya ang kaligayahan at ang pamilyang dapat ay sa kanya, para sa kasiyhan ninyo...."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanahimik lang ako. Sa tagal ng panahon na lumipas, palagi kaming pinagmamasdan ni Caius mula sa malayo. Gusto niyang makilala namin siya, pero mas inisip niya ang kapakanan namin, na baka magkaroon ng gulo kapag nagpakita siya kaya mas pinili niyang umatras.

"Aria..."

Tinignan ko si Sir Claude nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Sinabi mo kanina, na tinaranggap mo si Caius bilang kapatid mo, hindi ba?"

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon