Chapter 4

2K 39 2
                                    

Ash's POV

"Alyn..."

Isang babae ang umiiyak habang hawak ang isang sanggol.

"Alyn.. Patawarin mo ko, anak ko.."

"Hindi ka pwedeng mamatay.. Ikaw na lang ang meron ako... Mabuhay ka, Alyn.."

~^~

I opened my eyes to see a familiar ceiling in front of me. I'm in my room.

It's that dream again, huh. Who is that woman? Hindi ko makita ang mukha niya, hanggang leeg lang niya kasi ang nakikita ko sa panaginip ko.

Bumangon ako at nagsimula nang mag ayos. Ewan ko ba, pero parang wala akong gana na kumilos ngayon.

"Ash!"

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at biglang pumasok si Ate.

"What the! Anong ginagawa mo dito, Ate?"

"Matagal na kitang sinusugod dito sa kwarto mo Ash, what's new?"

"I know, what I mean is, bakit nandito ka sa bahay? Wala ka bang trabaho?"

She shook her head. "Wala, day off, pero may lakad kami ni Asena at bibisitahin muna namin si Lolo Edward."

"Ahh, I see..."

"Anyway, I have a news for you Ash!"

I blinked at her. "I get the feeling that it's not an ordinary news for me..."

She smiled brightly and get out of the room. Maya maya pa ay bumalik siya at may hila hilang tao.

"Caius?!"

Caius let out an irritated sigh. "Why do I even had to go here..."

"Kakauwi lang kasi ni Caius kahapon. Pumunta siya sa condo, kinakamusta ka niya at sina Mama at Papa, kaya mas minabuti kong dalhin na siya dito sa bahay!"

"Aria, you don't need to tell him that.." Caius said grumpily.

"It's fine, Caius. Hindi ka na iba sa amin nuh." she turned to me. "Ash, mag ayos ka na. Bababa na kami ni Caius, hinihintay din kasi ako ni Asena. Bye!"

Pagkalabas nilang dalawa ay humiga ulit ako. May pagka kabute talaga yun si Ate minsan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba na ako sa dining. Nandun na sina Caius, Mama at Papa.

"Good Morning, Dad, Mom.." I kissed Mom on her cheek before I sat down beside Caius. "Where's Ate?"

"Umalis na ang Ate mo kasama si Asena. Mamamasyal daw kasi sila, pero dadaan muna sila sa Lolo ni Asena." sagot ni Mama.

"I see.."

Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan yun ng ham at itlog. Ganun din si Caius. Strange, pero parang normal na lang din sa amin na nandito si Caius sa bahay. Dati nga ay dito pa siya pinapatulog ni Papa pag inaabot kami ng madaling araw kakalaro ng Xbox.

"Hey, I'm just thinking but why don't we all go out?" Dad suggested.

"Huh? As in now na Papa?" paninigurado ko.

"Yeah, after breakfast. Are you okay with that, Caius?" Dad asked him while smiling.

"Hmm, alright. I still have few days before I go back to work.."

"Great! Then let's pack up, Lucky Star!" tawag niya kay Mama.

Nagkatinginan na lang kami ni Caius dahil pareho kaming walang ideya kung saan kami pupunta.

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon