Chapter 30

1.2K 36 6
                                    

Aria's POV

Pabalik na ko sa unit namin galing sa convenience store nang mapansin ko ang isang pamilyar na lalaki sa lobby. Kumunot ang noo ko habang tinititigan siya. Saan ko nga ba siya nakita?

Nang humarap siya sa direksyon ko ay ngumiti siya at kumaway sakin.

"Aria!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya.

"Ephraim?!"

Siya ang fiancee ni Ariesa at kaibigan nila Asena at Nile. Ang alam ko ay nasa ibang bansa sila, anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" tanong ko paglapit ko sa kanya.

"Ang totoo, kasama ko si Ariesa. Pero lumabas siya kanina para bumili... Ah! Ayan na pala siya!"

Lumingon ako sa tinitignan niya at nakita ko si Ariesa na naglalakad papunta samin. May dalang brown bag at kumakain ng donut.

"Hi Aria!"

"Ariesa?! Teka nga anong ginagawa niyo dito ni Ephraim? Di ba sa ibang bansa kayo nakatira?"

Lumunok muna siya bago sumagot. "Oo nga, but umuwi kami dito kasi dito kami magpapakasal."

"Ha?! Hindi pa rin kayo kasal?!" gulat na tanong ko sa kanya.

"Of course! Paano kami magpapakasal doon eh wala naman doon ang pamilya ko. Atsaka, pwede ba tayo umakyat sa unit niyo? Mangangalay tayo dito kakatayo no.."

As she requested, bumalik kami sa unit namin ni Asena.

"So, ano nga ulit ang sadya niyo sakin at pinuntahan niyo ko dito?" tanong ko paglapag ng juice sa lamesita.

"Ano pa, edi iinvite ko kayo ni Asena sa kasal namin! And by the way, you're the maid of honor..."

"Ha?!"

She raised a brow. "What? Ayaw mo? Si Asena ang best man, gusto mo bang ibang babae ang i-partner ko sa kanya?"

Agad akong umiling. "Of course I don't want that. Pero biglaan naman kasi..."

"Well, kailangan na agad kasi..."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Pero si Ephraim na ang sumagot.

"Ariesa is 4 months pregnant..."

"Ano?!"

Napanganga ako sa sinabi niya. So that's why Ariesa is a bit different that usual. Health conscious siya, pero ang takaw takaw niya ngayon.

"Anyway, nasan si Asena?" tanong ni Ephraim.

"Nasa meeting. Day off talaga niya ngayon, pero may emergency kasi kaya umalis siya..."

"I see...."

*sniff*

Napalingon kami kay Ariesa mang bigla siyang umiyak.

"W-What's wrong, Ariesa?"

"Eh kasi, wala na si Lola Riza. Namimiss ko na naman siya, huhuhu..."

"Riza?" takhang tanong ko.

"Didn't Asena tell you? His grandmother, Lola Ariadne and your grandmother Lola Yuri are my Lola's friends. Siya ang nagsabi kay Asena na si Lola Ariadne ang totoong pumatay sa Lola mo. Matagal na silang magkakaibigan, I think bago pa sila magkaroon ng mga anak ay magkakakilala na sila."

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon