Chapter 19

1.3K 34 3
                                    

Ash's POV

Few days after family dinner, nagyaya sina Tito Lance ng outing kaya lahat kami ay magkakasama ngayong araw at pumunta sa isla na pag mamay ari ng pamilya namin.

"This brings back memories, don't you think, Lyrica?" tanong ni Papa kay Mama pagbaba namin ng sasakyan.

"Yep... Di ba Lance at Belle?"

Tumango naman silang dalawa na katabi ni Mama.

"Dito ako nagtago noon. Kahit may masakit na alaala dahil dito ako nakunan, naging masaya naman dahil sa inyo.." sagot ni Tita Belle.

Tumawa naman si Tito Lance. "Naalala ko nung naglilihi ka, ahh kawawa kaya ako nun."

Habang nagtatawanan sila ay hinawakan ko naman ang kamay ni Megumi na nasa tabi ko. Yup, niyaya din nila si Megumi. They consider her as part of our family, kahit hindi niya pa ako sinasagot.

"Ash? Nasaan na daw sina Tita Miyu? Kasunod lang natin ang sasakyan nila kanina di ba?" tanong ni Ate pagbaba niya ng sasakyan.

"Tinext ko na si Kuya Artix. May dinaanan lang daw sila kasama sina Tito Yuto, pero pasunod na rin.."

"Okay..."

Apat na sasakyan kasi ang dala namin. Para sa amin, kina Tito Lance, Tita Miyu at Tito Yuto, kasama na rin nila sina Tita Yuna at Tito Seige. Kasama naman namin sa sasakyan sina Megumi at Caius.

Pumasok kami sa cottage para ilapag ang mga gamit namin. Di gaya dati, mas malaki na ito ngayon, may second floor at may mahigit sampung kwarto.

"Mama, paano ang hatian natin sa kwarto?" tanong ko kay Mama.

"Ganito, dito tayo sa baba kasama sina Lance. Sa unang kwarto, iisa lang ang kama dun pero pang dalawahan kaya doon sina Aria at Asena. Sa pangalawa, dalawa ang kama doon kaya doon kayo Ash at Caius. Sa pangatlo, dalawa ang malaking kama kaya doon ang mga anak ni Lance kasama si Megumi. Sa pang apat, kami ni Gray at sa pang lima sina Lance at Belle. Sa second floor na lang sina Miyu at Ate Yuna tutal mas marami sila."

Pagkatapos sabihin ni Mama ang kanya kanyang kwarto namin ay agad naman kaming nag ayos ng gamit at nagpalit ng damit.

"Heh, makikita mo ang abs ko Caius! Ayy!"

"Dream on. Meron din ako nyan.."

Nagpalit na kami sa swimming trunks namin at lumabas ng kwarto. Mukhang nasa labas na silang lahat dahil naririnig namin ang ingay nila.

"Ash! Caius! Bilisan niyo! Kailangan nila ng tulong para ibaba yung mga gamit sa van!" tawag ni ate kaya lumabas na kami.

"Woah.." napasipol ako nang makita ko ang mga kasama naming babae.

My sister is wearing her white mesh halter one piece, kapareho ng kulay ng white swimming trunks ni Kuya Asena na nakasuot ng black shirt.

Yung tatlong babae ni Tito Lance, naka one piece bikini din, dark blue kay Belldandi, at black and white naman sa kambal.

"Ash.."

Nilingon ko si Megumi nang tawagin niya ako. I hang my mouth open and my eyes were wide. Caius touched my chin and closed my mouth.

"Baka langawin.." he teased and chuckled.

Megumi is wearing a one piece suit too, it's color pink at bagay na bagay sa kanya. Ahh! Lalo akong na iinlove!

Tinulungan namin si Kuya Asena na magbaba ng mga gamit sa van habang yung mga babae naman ay nag aayos ng lamesa dahil dito kami sa labas mag iihaw. Hindi naman nagtagal ay dumating na yung mga kasama namin at tumulong din.

Third Gen. Series #2: The Lost Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon