Fanfiction lang po siya gawa lang imagination ko po sana suportahan niyo po
11/29/16
-----------------------------------------------------------------
Chapter One
Maxine
Pinakikinggan ni Dr. Maxine Kang ang head intern, ang pag-uusap ng dalawang kasamahan niya sa hospital.
"He is Doctor Lucas Yoon. He graduated from Sylvania Medical School," bulong ng lady intern doctor na si Moira o Moira sa kausap nitong gay doctor na Rouge.
Nasa loob sila ng nurses' station. "But he's gonna have his internship here, curtesy of his vey own father, Doctor Augusto Yoon."
"Wafu, ha," saad ng gay Doctor, sabay kagat sa ibabang labi nito. "Kung ganyan ba naman kaguwapo ang mga kasama nating doctor dito, lalo akong gaganahang magtrabaho."
"Hay, naku, umandar na naman ang pagka-maniac mo. Wait and see.
Umpisa na ng kalbaryo natin sa Hospital na ' to sa pagdating ng doctor na'yan.
I heard, pasaway raw na doctor 'yan."
Kilala niya ang lalaking pinag-uusapan ng mga ito.
Sa hitsura ni Dr. Lucas Yoon ay hindi aakalaing doctor ito.
He was wearing a polo shirt, a pair of cargo pants, and rubber shoes.
Medyo mahaba ang buhok nito, may kaunting balbas, at ngumunguya ng chewing gum habang nasa corridor at nakikinig ng music sa iPod nito.
"Cool," ani Rouge. Mababakas ang paghanga sa himig nito nang sabihin iyon.
"In fairness, mukha nga siyang okay," pagsang ayon ni Moira.
Hindi na siya nakatiis. Kinuha niya ang atensiyon ng mga ito. "The patients are dying and you're here talking about a not-so very important doctor?"
Magkasabay na tumingin sa kanya ang mga ito. "I'm sorry," hinging-paumanhin sa kanya ni Moira.
Ikaw naman, sistah we're just taking a break," sabi sa kanya ni Rounge. Pinatirik pa nito ang mga mata.
"Masyado ka namang istrikto, eh. 'Lika, join ka na lang sa amin. Nakikita m' yon?" Itinuro nito si Lucas sa corridor.
Tumaas ang isang kilay niya. She knew the guy. Actually, no one didn't know Dr. Lucas Yoon.
Nasa amerika pa lang ito ay usap-usapan na ito sa buong hospital. Maging ang mga pasyente ng ama nito na si Dr. Augusto Yoon ay kilala ito.
Lalong tumaas ang kilay niya na parang tinukuran nang makitang tumigil sa paglalakad si Lucas.
Kaya pala ay may nakasalubong itong magandang nurse.
"Hey, lady in white, so--- sexy," bati nito sa nurse, sabay kindat.
"Oh, my God!" bulalas ng nurse na nagpa-cute pa sa harap ng lalaki. "Kayo ' yong anak ni Dr. Yoon, 'diba?"
Ngumiti lang si Lucas bilang sagot. Pagkatapos ay naglakad uli ito.
"Ang guwapo-guwapo n'yo pala talaga! I'm Nurse Ethel, Dr. Sabihin n'yo lang kapag kailangan n'yo ng date, ha?" pahabol na sabi rito ng nurse.
Lumingon si Lucas at kinindatan uli ang nurse. Lalong kinilig ang nurse.
"Huhulaan ko, malapit nang malaglag ang tipan niyan," komento ni Rouge.
"Tipan?" nakakunot ang noong sabi niya.
"Gosh, sistah! Saang planeta ka ba nanggaling?" Pinatirik uli ni Rouge ang mga mata nito. "Tipan," as is panty."
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
Hayran KurguHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...