Internet shop

7 0 0
                                    

April 22 2017

Vote Comment and enjoy reading

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 20 Internet shop

"Ano ba kasi ang magandang balita mo at pinapunta mo pa ako sa internet shop?" Tanong ni Maxine kay Rouge na kausap niya sa kabila linya ng kanyang cellphone.

Nakaupo siya sa harap ng computer sa isang internet shop sa bayan sa probinsiyang pinagbabakasyunan nila ng mama at papa niya.

"Hay, naku, sistah, matutuwa ka, I'm sure," sabi nito. Ayon dito ay nasa research room daw ito ng hospital nang mga sandaling iyon.

"I click na kasi ang friendster profile ni Lucas, 'no!" narinig naman niyang sabi ni Abbi kaya alam niyang nasa tabi ito ni Rouge. "Ang dami pang arte, eh."

"Fine, fine!" sabi niya at tumalima sa utos ng mga ito. Ninuksan niya ang friendster profile ni Lucas.

Nagulat siya nang makita ang litrato nila ni Lucas bilang primary photo nito.

Bigla na lang siya nitong hinalikan sa larawang iyon habangnag meeting sila sa conference room.

Ang pilyang si Rouge ay kumuha sa kanila ng litratong nakalagay sa wallet niya.

Pero hindi lang iyon ang gumulat sa kanya nang pasadahan niya ng basa ag profile ni Lucas.

Mayroon pa itong ginagawa photo album na pulos larawan niya ang makikita.

Sa isang photo album naman ay litrato nilang dalawa.

Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha habang isa isang tinitingnan niya ang mga litrato nila ni Lucas.

Hindi niya alam na inipon din pala nito ang mga iyon. Binasa uli niya nang tahimik ang shoutout nito.

I missed you so damn munch, Maxine! I was a fool not to realize how munch I love you. I can't wait to see you.

"I lovw you, too, Lucas," lumuluhang sabi niya.

Pinatay niya ang computer. Hindi na rin niya kayang hindi makita si Lucas. Masaktan na kung masaktan, pero babalik na siya ng maynila.

Nakahanda na siyang isugal ang pag ibig niya kahit pa matalo siya at masaktan.

Ang mahalaga ay makasama niya ang lalaking minamahal niya.

"Sistah, are you still there?" marinig niyang tanong ni Rouge sa kabilang linya ng cell phone na hindi pa pala niya napapatay.

"I'm going back to maynila!" deklara niya.

"Teka, sistah, wala rito si Fafa"

Hindi na niya pinatapos si Rouge sa sinasabi nito. Pinindot niya ang End call button ng kanyang cell phone at dali dali siyang umuwi sa bahay ng tita niya para makapaghanda na siya pauwi sa Maynila.

Huling araw na ng selebrasyon ng kapistahan sa bayan ng Sta.Fe. Sa katunayan ay puno pa rin ng mga tao ang plaza.

Kasalukuyang may ginaganap na palaro doon. Pero wala siyang pakialam doon. Ang gusto lang niya ay makauwi na sa Maynila at makita si Lucas.


End of Chapter 20

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry maikli lang update ko wala na ako maiisip bawi nalang ako next time hihi <3 eto libangan ko lang naman eh

Malapit siya matapos kung walang mag basa okay lang din naman po :)

Hold My Hand, Cure My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon