The Emergency Room

10 0 0
                                    

12/01/16

Vote And Comment

Enjoy Reading <3

-----------------------------------------------------------------

Chapter Three

The Emergency Room

Diego POV

Magpapatuloy pa sana ang diskusyon nila nang bigalang tumunong ang emergency alarm nila.

Broom!

Broom! Broom!

(Pasenya na hindi ako marunong gumawa ng sound effect ng alarm ng hospital pag tiyagaan niyo nalang muna)

Hudyat iyon ng emergency sa isang pasyente o may bagong admit na pasyente na kailangan ang tulong nila.

Iyon lang at iniwan na nila ang kinakain at patakbong lumabas ng cafeteria.

The Patient is not responding to IV fluids," imporma ni Dr. Diego, ang attending physician ng bagong admit na pasyente.

Nakatayo ito sa labas ng interaive care unit kasama sina Maxine, Lucas, Rouge at Moira.

Tinitingnan nila mula sa dinding na salamin ang kaa-dmit lang na pasyente.

"Sumunid kayo sa akin," sabi ni Dr. Diego at saka ito humakbang patungo sa conference room.

Sumunod sila rito.

Pagpasok sa conference room ay isinulat nito sa whiteboard ang mga sintomas na mayroon ang pasyenteng nasa ICU.

"Fever, ciugh, nausea, rashes, low BP, and abdominal pain," ani Rouge habang binabasa ang mga nakasulat na sintomas.

"Hindi kaya may arthritis siya, Dr. Diego?"

"Hindi inuubo ang taong may arthritis," sabad ni Moira.

"No condition accounts for all these symptoms," komento ni Maxine. Knina pa siya naiingayan sa kung anumang tumutunog sa likuran niya.

Hindi siya makapag-concentrate dahil sa naririnig na ingay kaya minabuti niyang lumingon.

Nakita niya si Lucas na naglalaro ng portable playstation.

"Nagdidiskusyin kami rito pero ikaw ay naglalaro?" mahina pero mariing tanong niya rito. Ano ka, eight year old?"

"Hindi lang eight years old ang naglalaro ng playstation," sabi nito na kumindat pa sa kanya.

"Namumuro ka na sa akin kaya spare me now, Kang."

Nagpipigil ng galit na itinuon niya ang paningin sa harap. Sa hitsura ni Dr.Diego ay alam niyang napansin nito ang ginagawa ni Lucas, pero nagkibit-balikat lang ang doctor.

Maliban sa kanya, mukhang wala nang may gustong kumalaban sa anak ng direktor at may-ari ng hospital.

"Based on history, na-admit sa ibang hospital ang pasyente," muling saad ni Dr. Diego.

"Abdominal CT scan doesn't show anything. May kidney failure, painful tingling in the toes and hair loss."

Nagparoo't parito ito. "Pero hindi pa rin gumagaling ang pasyente kaya inilipat dito."

"The bad news is, that precious boy is doing drugs," sabad ni Lucas.

Sabay-sabay silang napatingin dito. Nakatingin pa rin ito sa hawak na PSP pero mukhang nakabukas ang mga tainga nito sa diskusyon nila.

Mukhang hindi totoo ang akusasyon niya na hindi ito nakikinig.

"What was it again, Dr. Yoon?" tanong dito ni Dr. Diego.

Hold My Hand, Cure My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon