Ang Nakaraan

7 0 0
                                    

12/09/16

Sorry matagal nag update busy kasi eh <3

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Nine Ang Nakaraan

Lucas POV

Flash Back

Pag nakakakita siya ng Biblya ay naaalala niya si Hannah.

"Naniniwala ka sa usog?" tanong niya rito pagkatapos ng misang dinaluhan nila. Dahil dito ay naging regular ang pagsisimba nila tuwing Linggo.

Ito lang ang nakilala niyang doctor na dedicated sa pagsisimba at pagdarasal sa Diyos.

"Oo naman," may ngiti sa mga labing sagot nito. "Bata pa lang ako, sagana na ako sa mga pangaral ng lola ko.

Muntik na akong mamatay noong bata pa ako kaya nang gumaling ako, binigyan nila ako ng panata tuwing Holy Week."

"You're a truly religious person," napangiting sabi niya. "You're really different, baby."

He kissed her on the forehead. Lalo itong napapamahal sa kanya dahil sa magagandang ugali at paniniwala nito sa buhay.

"Kaya gusto ko pa rin na sa simbahan tayo magpakasal, baby," sabi nito.

"Oo naman. Magpapakasal tayo kahit saang simbahan mo gusto. Ang importante ay maikasal tayo at magkasama habang-buhay."

They hugged tightly. Sa loob ng simbahang iyon, nangako silang hindi maghihiwalay habang-buhay.

End Of Flash Back

Maxine's POV

Nauntag siya nang marinig niya ang boses ni Mang Simon.

Nakatingin si Maxine kay Lucas. Biglang nanahimik ito,waring may nag Flash Back na kung ano.

"Doctor Yoon?"

Noon lang tila bumalik sa kasalukuyan ang diwa nito. "Sa susunod na rounds ko, dapat ay malakas na kayo, Tatay Simon," sabi nito, saka ngumiti.

May nabasa siyang lungkot sa ngitibg iyon. Tama ba ang naisip niya na pinagtatakpan lang nito ang totoong nararamdaman sa pamamagitan ng ngiti at kapilyuhan nito?

Hindi siya sigurado. Mahirap basahina ang tunay na saloobin ng isang lalaki na kagaya nito.

Nagpaalam siya kay Mang Simon bago siya sumunod kay Lucas palabas ng charity ward.

Tumuloy ito sa patio ng cafeteria at umupo ito sa isang mesa. Malayo ang tingin nito at mukhang may malalim na iniisip.

"This old man knows so much," hindi napigilang sabi niya pag-upo niya sa harap ng mesang malapit sa mesang kinapupuwestuhan nito.

"May mga taong madaling mag tago ng angsts at hang-ups nila sa buhay."

"Who says ay have a hang-ups?" Biglang nagkaroon ng ngiti sa labi nito.

"Come on, Doctor Yoon." She gave him a scarcastic smile. "Bistado na kita. Hindi lang ako ang mahina. Ikaw rin."

"You don't know me yet."
"But i can read you now."

"You don't know what you're saying." Inubos nito ang laman na hawak ng mug.

Aalis na sana ito nang magsalita ulit siya. "You can always show to the whole world how you take life so easily.

But at the end of the day, kapag mag-isa ka na lang, babalik at babalik ang totoong nararamdaman mo.

Wala kang makikitang tao na mapagsasabihan mo ng totoong saloobin mo dahil hindi mo kayang ipakita sa kanilang totoong sa loobin mo."

Hold My Hand, Cure My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon