02|12|17
Chapter 19
Itinuloy ni Maxine ang pagli leave nang tatlong araw para makaiwas siya kay Lucas.
Tumanggi muna siyang tumanggap ng anumang balita tungkol dito at kay Sr.Hannah mula kina Rouge at Abbi.
Pinagbigyan niya ang mama niya sa hiling nito na magbaksyon sila sa probinsiya.
Mayo noon at kapistahan ng patron sa probinsiya nito.
"Bakit tayo nandito,'Ma?" tanong niya habang nanood sila ng paraxa sa plaza.
"Dito kayo nagkakilala ni Papa," paalala niya rito.
Madalas ikuwento ng papa niya kung paano umusbong ang pagmamahalan nito at ng mama niya.
"Nag Majorette ako noon," anang ng mama niya.
May ngiti sa mga labi nito habang nagbabalik tanaw.
"Nanonood noon ang papa mo. Nagpe perform kami sa harap ng bahay ni Mayor nang biglang hinawakan ng papa mo ang legs ko.
Sa inis ko ay pinalo ko siya ng baton. Tumakbo siya, tawa nang tawa."
May mapait na ngiting gumuhit sa mga labi nito habang nanood pa rin ng parada ng majorettes at drum and bugle core.
Sa hitsura ng mukha nito ay parang nakikita nito ang eksenang ikinukuwento nito sa kanya.
"Iniwan ko ang parada at hinabol ko ang papa mo," pagpapatuloy nito.
"Tawa pa rin siya nang tawa.
Pinaghahampas ko pa rin siya ng baton hanggang sa mawalan ako ng balanse.
Pero listo akong hinawakan ng papa mo hanggang sa kinabig niya ako palapit sa kanya.
At noon ko naranasan ang first kiss ko." Bumakas ang saya sa mukha nito.
Napangiti na rin siya kahit paano kahit natapos sa hindi magandang wakas ang pangyayaring inakala nito na isang fairy tale na my happy ending.
Marami pa itong sinabi tingkol sa papa niya.
Kapagkuwan ay natulala siya.
Sa kabilang gilid ng kalsada, sa gitna ng kulumpon ng mga taong nanood ng parada, nakita niya ang Papa Norman niya.
Paulit ulit na pumikit at dumilat si Maxine.
Baka kasi namalikmata lang siya.
Hanggang sa mamalayan niyang nakatawid na ang papa niya at kaharap na nilanil ito ni mama niya.
Maging ang mama niya ay hindi makapaniwala nang makita ang papa niya.
"Norman?" walang kakurap kurap ang mga matang usual ng mama niya.
Tumango ang papa niya. "Galing ako ng Maynila," pagbibigay alam nito. "Sinabi ng mga kapitbahay ninyo na nagbabakasyon daw kayo rito."
"Bakit ka nandito?" tanong ng mama niya." Ang ibig kong sabihin..." Nagpalinga linga ito.
"May mga kasama ka ba? Kasama mo ba si Lydia?"
Hinintay niya ang sagot ng kanyang papa.
Wala pa rin siyang masabi lalo na nang masalubong niya ang mga mata nito.
Nababasa niya sa mga iyon ang paghingi nito ng kapatawaran.
Pero nanatili siyang walang masabi hanggang sa tuluyan nang nawala sa parada ang atensiyon nila.
Nakalayo na rin sa kanila ang parada.
"Hindi ako magbabakasyon lang dito sa Pilipinas," anang ng papa niya.
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
FanfictionHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...