12|29|16
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 18 Leave
Nag file ng leave of absence si Maxine.
Kahit man lang habang naka confine si Sr. Hannah sa YGH ay makaiwas siya.
Alam niyang lalo lang siyang masasaktan tuwing makikita niyang inaasikaso ito ni Lucas.
Gusto niyang ma guilty na isang mafre ang pinagseselosan niya pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili.
Paano kung biglang ma realize ni Sr. Hannah na mahal pa rin nito si Lucas at kayanin nitong i give up ang pagmamadree nito para muling magkasama ang mga ito? Paano niya tatanggapin ang mabigong muli sa isang lalaking habanh lumilipas ang mga araw ay lalong napapamahal sa kanya?
"Bakit hindi sinabing magli leave ka?" tanong sa kanya ni Lucas nang tawagan siya nito sa bahay.
"Sorry, nawala sa isip ko," matamlay na sagot niya. Nahimigan niya ang saya sa tono ng boses nito at alam niyang si Sr. Hannah ang dahilan niyon.
"Ano kasi, biglaan ang pagkakasakit ng lola ko sa probinsiya.
Magbabakasyon na muna kami roon ng ilang araw."
"Akala ko ba, wala ka nang lola?" nagtatakang tanong nito.
Tama ang sinabi nito. Marami na siyanv naikuwento rito tungkol sa familty tree niya kaya batid nitong wala na siyang lola.
Mayro'n pa," aniyang pinilit maging natural ang boses.
Kailangan niyang magsinungaling dito para pansamantala siyang mapalayo rito.
Hindi niya alam kung tama ang ginagawa niya pero iyon lang ang tanging paraan na alam niya para maibsan kung hindi man mawala ang sakit na nararamdaman niya.
Ilang sandaling naghari ang katahimikan sa kabilang linya.
Ang akala niya ay ibinaba na ni Lucas ang cellphone.
Nagulat na lanv siya nang makita niya ito sa harap niya, hawak ang cellphone na nakdikit sa tainha nito.
Noon niya na realize na nasa labas na ito ng bahay nila nang tawagan siya nito.
"Please don't lie to me, Maxine," sabi nito sa seryosong boses. "Are you trying to avoid me?"
Ibinaba niya ang kanyang cellphone. Pinigil ang pagluhang tinalikuran niya ito.
Humarap siya sa bitana ng living room ng bahay nila. "Ang totoo, naduduwag ako, Lucas," sa wakas ay pag amin niya.
"Naduduwag ako sa pagdating ng araw na bigla mong sasabihin na hindi mo pala ako mahal dahil si Hannah pa rin ang nasa puso mo."
"Hon, don't say that," mahinang sabi nito.
"Pero naiintindihan kita, huwag kang mag alala," sabi uli niya.
"Naiintindihan ko na hindi ka pa uli handang magmahal.
Nagoumilit akong pumasok sa buhay mo kaya napilitan kang turuan ang sariling mo na mahalin ako."
Pumiyok ang boses niya nang pakawalan niya ang mga salitang iyon.
"Maxine, it's not like that." Pinihit siya nito paharap dito.
Magingat na pinahid nito ang luhang namamalisbis sa mga pisngi niya.
"Walang nagbago. You're still my girlfriend. Tayo pa rin.
Hindi mangyayari ang iniisip mo."
"But we have to face the fact that you're torn between us." pinilit niyang salubungin ang mga mata nito.
"Alam ko, nararamdaman ko na nandiyan pa rin si Hannah."
Itinuro niya ang tapat ng puso nito. "Hindi ito madaling gawin para sa akin pero gagawin ko, Lucas. "I'll give you time to think. Maghiwalay muna tayo.
Napatiim bagang ito sa narinig na sinabi niya.
"Pag na miss mo ako, 'pag naisip mo na hindi mo kayang mabuhay nang wala ako, baka sakaling mahal mo na nga ako, Lucas.
Pero kung hindi...." Pumiyok ang boses niya. Napakahirap para sa kanya na pakawalan ang mga sumunod na salita.
"Kailangan nating maghiwalay." Hindi na niya nagawang pigilan ang masaganang luha.
"Because we are really not meant for each other. Ang pagkakasama natin ay nangangahulugan lang ng pagpapahirap natin sa isa't isa.
"Don't do this, Maxine," Nagsusumamo ang mga mata nito.
"Please? Let's work it out together."
Kung pakikinggan niya ang kanyang puso, hindi ito magdadalawang salita sa ipinapakiusap nito sa kanya.
Kung hindi niya paiiralin ang kanyang isip at hahayaan niyang puso lang niya ang magdesisyon, baka wala siyang ibang gawin kundi yakapin ito nang mahigpot at sabihin na kaya i work out ang relasyon nila.
Pero hindi ganoon ang kailangang mangyari.
Hindi nila mahahanap ang kasagutan sa mga tanong nila kung hindi nila gagawin ang tama.
"Lucas, makinig ka," lumuluhang sabi niya.
Hinaplos niya ang mukha nito. "Maraming beses na akong nasaktan.
Kung mauulit pa iyon, baka hindi ko na makaya.
Mas magandang habang maaga pa ay malaman natin kung hanggang saan lang ang relasyon natin.
This is not just for me. Para sa'yo rin ito.
Sa ikakatahimik mo. Sa ikakasaya mo.
Pero iyong pagkakasama natin, isa yon sa mga pinakamasasayang parte ng buhay ko na hindi ko alm kung kailan ko makakalimutan o kung makakalimutan ko pa.
Mahal kita. At totoo 'yon."
Nang yakapin niya ito ay napahagulgul siya.
Wala na rin itong sinabi pagkatapos niyon.
Tinugon na lang nito ng mas mahigpit na yakap ang yakap niya.
Matagal sila sa gaanong ayos.
Nang sa wakas ay maghiwalay sila ay pinilit na niya ang sariling tumakbo palayo rito bago pa muling mamalisbis ang liha sa kanyang mga mata.
End Chapter 18
Vote and Comment
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
أدب الهواةHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...