At Cafeteria

7 0 0
                                    

12/03/16

Chapter Seven At Cafeteria

Maxine POV

Nag kita kita sila sa cafeteria nila Moira at Rouge nag kataong na doon din si Lucas.

Pasimpleng pinagmasdan niya iro habang nakikipagkulitan ito sa ibang mga interns.

Naging ugat pa ang pagtulong nito kay Mang Simon para magkainteres siya sa pagkatao nito.

Hindi raw naawa pero ito pa ang tumulong kay Mang Simon para maoperahan.

Was that a kind gesture? O palabad lang nito iyon para maipakitang tumutulong ito sa mahihirap?

Pero sa isang malokng lalaki na katulad nito, dapat ay pagsasayang ng oras ang tingin nito sa pagtulong sa mga less fortunate-patients.

"Hindi mo ba alam na nakakatunaw ang tibgin, sistah?" an Rouge nang kalabitin siya nito.

Listong inilipat niya sa ibang ang tingin bago pa tuluyang mahalata ng mga kaibigan niya na kanina pa siya nakatingin kay Lucas.

Nasa kabilang mesa ito at nagma-magic tricks gamit ang hawak nitong panyo. Tuwang-tuwa ang mga kasama nito.

"Bka matunaw si Doc niyan," komento ng kaharap niyang si Moira. May maluwang na ngiti sa mga labi nito.

"For your information, naiinis lang ako sa kanya," pagtatakip niya sa totoong iniisip tungkol kay Lucad." Ang OA."

"Yong iba, parang kinikiliti sa tuwa, ikaw naman, naiinis?" Rouge sighed." Why is it so hard for you to look at Lucas good side? Mukha naman siyang mabait."

"And charming," nakapangalumbabang dagdag ni Moira na titig na titig din kay Lucas.

"Kung liligawan niya ako, isang minuto pa lang, sasagutin ko na siya."

"Masyado namang matagal, sistah," pairap na sabi Rouge. "Ako, isang segundo lang, mag-boyfriend na kami."

"Tumatawang nag-high-five ang mga ito. Nanatili siyang seryoso. Pilitin man niya ang sariling huwag sulyapan si Lucas ay hindi pa rin siya nakatiis.

Tiningnan pa rin niya ito at nakita niya ang pinakamagandang ngiting rumehistro sa mga labi nito habang nakikipagkulitan sa mga kasama.

"This is a clean room," naiiritang sabi ni Maxine kay Lucas kinahapunan nang mag-rounds sila sa intensive care unit ng Hospital.

Doon naka-confine ang mga pasyenteng delikado ang lagay kaya kailangang obserbahan nang twenty-four hours.

Nakapasok na ang ibang interns at susunod na rin sana si Lucas nang pagsarhan niya ito ng glass door.

"No ICU gown, no entry," mariing sabi niya. "Fine!" sabi nito mula sa labas, saka mabilis na umalis.

Pagbalik nito ay naka-ICU gown na ito. Hindi nga lang maayos na nakasout ang gown at ang gloves ay isinuot lang nito nang mabilisan sa mga kamay na hindi man lang yata hinugasan nito.

Naiinis na lumabas siya ng ICU at hinila ito sa dressing room. "Huwag mo akong paniwalain na tanga ka dahil alam kng nagtatanga-tangahan ka lang para magpapansin!" nanggigil na sabi niya.

Pilit na inilapit niya sa gripo ang mga kamay nito at sinabon ang mga iyon ng sterile soap. Binuksan niya ang gripo.

Inabot niya ang tuwalya sa towel rack at tinuyo niya ang mga kamay nito.

Kinuha niya ang malinis na gloves sa autoclave at isinuot niya ang mga iyon sa mga kamay nito.

"May nakakatawa ba?" nakapamaywang na tanong niya nang makita niyang ngingiti-ngiti ito.

"Bakit ba palagi ka na lang galit?" tanong nito.

"Parang ang laki ng galit mo sa mundo. Or should i say, sa mga lalaki? Bakit? Ano ba'ng ginawa sa'yo ng pinakaguwapong anak ni Eva at Adan?

Let me guess, iniwan ka ng mga lalaki? Niloko? Pinagtaksulan?" Hindi agad siya nakakibo.

May kapangyarihan ba ito na magbasa ng nararamdaman at iniisip ng isang tao? "None of your business!" kapagkuwan ay sinabi niya.

Inabot niya ang bouffant hat sa lalagyan, saka niya inilagay sa ulo nito.

"In fairness, maganda ka pala."

Natigilan siya. Nng mga sandaling iyon lang niya napansin na titig na titig ito sa mukha niya habang inaayos niya sa ulo nito ang bouffant hat.

Magkalapit ang mukha nila at nalalanghap niya ang mabangong hininga nito. Langhap na langhap niya ang male scent nito. Ang bangu-bango nito.

Bumalik sa isip niya ang sandaling sinibasib nito ng halik ang bibig niya. Parang naramdaman uli niya ang dila nito sa loob ng kanyang bibig at ang kaaya-ayang sensasyong idinulot nito sa buong katawan niya.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan kahit gusto na niyang umalis sa harap nito.

"Namumula ka, Kang," may ngiti pa rin sa mga labing sabi nito. "Mainit ka.

Huhulaan ko. You body releases adrenaline.

It speeds up your breathing and heart rate to prepare you to run away from danger. Bakit, Kang?

Natatakot ka ba sa akin? Normal blushing means only three things to me." Lalong lumawak ang pagkakangiti nito.

"You're embarrassed. You're drunk. Or you are sexually aroused. Alin sa mga iyon ang dahilan ng pamumula mo?"

Ipinagdiinan nito ang mga salitang "sexually aroused."

Pakiramdam niya ay lalong namula ang mukha niya sa sinabi nito. Pinilit niyang lumayo rito bago pa lalong manlambot ang buong katawan niya.

Nararamdaman niya ang pagsunod ng tingin nito sa kanya. She needed to stay away from him, she realized.

Alam niya, natitiyak niya, hindi siya immuned sa karisma nito.

End of Chapter Seven

Vote and comment

Short story lang po ito sana may mag basa para hindi tamadin mag update hihi ily guys :) <3

-----------------------------------------------------------------

Next Chapter na ako whahaha <3

Babush na muna <3 idol ko sila eh fan ako ng dots hihi gwapo and maganda sila <3

Hold My Hand, Cure My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon