April 20 2017
Dedicated to my mama hihi Happy Birthday po iloveyou mama enjoy ur day sorry kasi wala ako gift sayo mama wish ko nalang po sainyo good health mama <3
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote and Comment po enjoy Reading my story <3 thank you sa support po
Chapter 21 The Proposal
Nag punta si Lucas sa province ni Maxine para hanapin to at ayusin ang problema nilang dalawa. At may balak din to mag propose kay Maxine.
Dumating na siya sa lugar ni Maxine kaso hindi niya alam kung san dito kasi madaming tao. At mukhang fiesta sakanilang lugar.
Nag punta siya sa stage para hiramin ang mikes sa announceser ng mga nag lalaro.
"Calling to Doctor Maxine Kang, nandito ka ba?
Para siyang sasakyan na biglang nagpreno nang marinig niya ang boses ni Lucas.
Napatingin siya sa loudspeaker sa itaas ng puno sa plaza. Doon nanggagaling ang boses.
"Maxine, if you're here, don't move. Okay lang din na wala kang sabihin. First of all, I'll tell you a brief explanation of how I got here.
I went to your hiuse and your neighborhood told me you're here. Hinahanap ko itong lugar ninyo lahit hindi ko alam kung saan ang eksaktong addtess mo.
Sinabi ko sa sarili ko na okay lang na magkandaligaw ligaw ako basta makita kita."
Parang hinaplos ang puso niya sa narinig. Sinundan niya ang direksiyon ng mga mata ng mga taong kanina lang ay naglalaro at natuntun niya kung nasaan talaga si Lucas.
Nasa itaas pala ito ng stage.
Nakatayo ito sa harapng mikropono. Nasa paanan nito ang traveling bag nito.
Pinagmasdan niya ito. Halatang sa mukha nito ang matinding pagod pero naroon din ang determinasyong makita siya sa lugar na alam niyang hindi pa nito napupuntahan.
Pinuntahan nito ang lugar nila para makita siya. Hindi pa ba tanda ng pagmamahal iyon?
Sa loob ng ilang sandali ay nanatili siyang nakapako sa kinatatayuan niya.
Nasa gitna siya ng maraming tao kaya alam niyang hindi pa siya nakikita ni Lucas.
Nawala ang atensiyon ng mga tao sa pagkakasayahan para lang panoorin si Lucas.
Magulo ang buhok nito. Hindi na rin maayos ang suot nito. Alam niya ang hirap ng bihaye mula Maynila hanggang Dumaguete.
Pero para sa kanya ay si Lucas pa rin anv pinakaguwapong lalaki sa buong mundo.
"Nagbaka sakali lang akong nandito ka,' pagpapatuloy nito. "WithGod's guidance,of course.
Salamat sa kanya dahil binigyan niya ng liwanag ang isip at puso ko.
Wala naman sigurong mawawala sa akin kung pumunta ako rito,' di ba? But how I wish you're here, Maxine, and you can hear me.
Gusto kong sabihin sa'yo na tanga ako dahil pinabayaan kitang umalis. But I guess, nangyari'yon para magising ako sa katotohanan na hindi na si Hannah ang mahal ko.
Oo, OC ka, masungit minsan, matigas ang ulo, matampuhin pero nang mawala ka, na miss ko ang lahat ng 'yon.
Para kang gamot na bumubuhay sa akin. Kaya kapag nawala ka, baka mamatay na ako, Maxine, Mahal na mahal kita!"
Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa Plaza.
"So that's it," Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito habang iginagala nito ang paningin sa paligid.
"Wala ka rito. Pero okay lang. Masaya akong i announce sa buong mundo kung gaano kita kamahal.
Salamat po sa inyong lahat," Nagbow ito na lalo namang pinalampakan ng mva tao.
Pagkatapos ay binitbit nito ang traveling bag nito. Bababa na sana ito ng stage nang bigla niyang tawaging ito.
Natigilan ito sa pagbaba ng stage. Hinagilap siya nito sa audience. Itinaas niya ang kanyang kamay at nkuha agad niy ng atensiyon nito.
"Maxine, Hon!" Umaliwalas ang mukha nito nang makita siya.
"Yes, it's me!" malakas na sabi niya. Namalisbis ang mga luha sa kanyang mga piangi.
"Pauwi na ako sa Maynila dahil hindi ko palang kayang hindi kita makita.
I don't care kahit na masaktan uli ako. Kahit umiyak uli ako. Ang importante ay maipakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal. I love you so much, Lucas, Hon," Umakyat siya sa stage. Sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap.
Nagpalakpakan at naghiyawan uli ang mga tao. Parang nanonood ng sine ang mga ito.
"Sino'ng may sabing paiiyakin kita?" sabi nito.
Maingat na pinahid nito ang mga luha niya. "You're not gonna get hurt again. Patutunayan ko sa'yo na ikaw ang pinakaespesyal at pinakaimportanteng babae sa buong mundo.
I love you so much, Maxine,"
"I love you more, Lucas."
Nagyakap uli sila nang mahigpit habang patuloy sa pagpapalakpakan ang mga taong nakapaligid sa kanila.
Wala silanv pakialam sa paligid nila. Walang ibang mahalaga para sa kanila kundi ang isa't isa.
Nang halikan siya nito ay nabuo sa imahinasyon niya ang isang magandang eksena kung saan ikinakasal sila nito sa simbahan.
End of Chapter 20 part 2
Vote comment po
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
FanficHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...