12/11/16
Chapter Ten Hospital Of Ex-Boyfriend
Maxine POV
Nagpipigil ng sarili si Maxine pero gustung-gusto na niyang itusok sa mga mata ni Art ang hawak na gunting.
Nililinisan niya ang sugat sa dibdib nito. Ito ang ex-boyfriend iyang na huli nakikipag sex sa best friend niya.
Isa ito sa mga sumira sa positibong paniniwala niya sa pag-ibig at sa mga lalaki.
Taglay pa rin nito ang kayabangan nito. Gusto pa tuloy niuang ipagasalamat na nasabugan ito ng makina ng sasakyan nito habang kinukumpuni nito iyon.
Da dinami-rami kasi ng hospital na mapagdadalhan dito, sa YGH(YoonGenetalHospital) pa ito isinugod.
Tamad na si Author mag sulat hihi <3
Back to the story
Sa dinami-rami ng interns on duty, sa kanya pa natapat ito. Hindi na siya nakaiwas dahil nakabantay ang resident doctor.
"It's been a while. You're still the same Maxine I used to know. Seryoso, OC, boring," biglang sabi ni Art.
Napailing-iling pa ito.
Narinig yata ni Lucas ang sinabi ni Art sa kanya kaya napatingin ito sa kanya.
Sa ER sila naka-duty nang mga sandaling iyon. My ine-examine din itong pasyente sa katabing ER bed.
"Magpasalamat ka na lang na ginagamot kita ngayon, Arturo," magpipigil pa rin ng inis na sabi niya.
"Kapag hindi ka pa tumigil sa kakasalita mo, baka madagdagan ang sugat mo."
"Masungit ka pa rin pala," komento uli nito.
"You taught me how to be. 'Wag kang magkunwaring na wala kang alam."
Nalagyan na niya ng gamot ang sugat. Ibinalik niya sa medicine tray ang mga gamit, saka nagmamadaling iniwan niya si Art.
Padabog na binitawan niya sa lababo ng washroom ang maruruming instrument.
"Shit siya!" bulalas niya sa pag-aakalang nag-iisa siya roon. "Akala mo kung sinong perpekto! Babaero naman! Cheater!"
"Ex mo?"
Napapitlag siya nang marinig niya ang boses ni Lucas. Nilingon niya ito sa pinto ng washroom.
Lumapit ito sa kanya. "Obviously," Kinuha niya ang mayo scissor sa lababo at iniabot niya iyon dito.
"Balikan mo nga sa ER at saksakin mo for me. Please lang."
"Ang laki talaga ng galit mo akin, 'no?" Umiling-iling ito. "Gusto mo naman akong makulong ngayon.
Sige ka, mami-miss mo ako."
"Naiinis lang ako!" hindi na nakapagpigil na sabi niya. Hindi na rin siya nakapagpigil na ilabas dito ang galit niya.
"Alam mo ba kung ano'ng sinabi niya sa akin kanina? Masyado raw akong naghahanap nh perpektong lalaki kaya tumandang dalaga ako.
Ang laki raw ng nawala sa akin no'ng pinakawalan ko siya.
Ang hirap daw kasi sa akin, ang kitid ng isip ko. Hindi ko raw maintindihan na parte ng pagiging lalaki ang magbilang ng syota.
Oh, well, siguro nga, walang lalaking ang tingin sa pag-ibig ay ginto na puwedeng niyang i-treasure habang-buhay at----"
"Hindi pare-pareho ang mga lalaki," putol nito sa sinabi niya. "Hindi lahat ay player."
"And look who's talking? Kabi-kabila rin ang babae mo, ah. Pare-pareho lang kayo!"
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
FanfictionHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...