Closure

6 0 0
                                    

12|29|16

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 17 Closure

Chapter 17

Hindi alam ni Lucas kung gaano na siya katagal na nakatayo sa pinto ng hospital room kung saan naka confine si Hannah.

Magaling na ito at kasalukuyang nagbabasa ng bible.

Sinamantala niya ang pagkakataong pagmasdan ang maamong mukha nito, ang mukha nito kay tagal din niyang pinanabikang makita.

"Lucas!"

Napakislot siya sa kinatatayuan nang marinig niya ang boses nito.

Noon lang niya namalayan na nakita na pala siya nito.

Tahimik na tumuloy siya sa kuwarto at tumayo sa paanan ng hospital bed nito. Nakikita niya sa mukha nito ang kaligayahan habang pinagmamasdan din siya nito.

Lalong umamo ang mukha nito sa suot na belo.

"Matagal ko nang gustong gawin 'to," may ngiti sa mga labing sabi nito.

"Matagal akong nakakulong sa monasteryo kaya nawalan ako ng balita sa'yo.

But I always prayed for you, Lucas. Kaya noong malaman ko na nakabalik ka na mula sa Amerika, nagpumilit akong sumama sa outreach program dito sa Maynila.

Nagbabaka sakali akong magkikita tayo.

Dininig ng Diyos ang panalangin ko."

Hindi pa rin niya magawang magsalita. Sa hitsura nito ay masaya na ito sa kung anumang buhay na mayroon ito.

"You seemed happy," sa wakas ay sabi niya.

"Of course I am." Lalo pang lumawak ang pagkakangiti nito. Nahanap ko na ang kaligayahan ko, Lucas, I'm happy with what I am and with what I do now.

Isang araw ay gusto kitang imbitahin sa mundo ko.

Gusto kong makita mo ang klase ng buhay na mayroon ako ngayon.

Gusto ko ring ituro sa'yo ang magagandang bagay na natutuhan ko sa monasteryo.

"Mga bagay tungkol sa Diyos." Napatiim bagang siya.

May kasamang hinanakit ang bises niya.

Nabura ang ngiti sa mga labi nito. "Masama pa rin ang loob mo sa kanya? What is it so difficult for you to believe in God, Lucas?"

"What do you expect? Matuwa ako sa kanya, Hannah? Inaagaw ka niya sa akin!" Tuluyan na niyang nailabas ang sama ng loob niya.

"Ikakasal na sana tayo pero inagaw ka pa niya sa akin! He's so unfair! He made me suffer!"

"No," umiiling na sabi nito. May nakita siyang kumislap na luha sa mga mata nito.

"Isang araw, mare realize mo rin na hindi ako ang magpapasaya sa'yo, Lucas.

Isang araw, makikita mo rin ang kaligayahan mo. Or maybe, nakita mo na pero nagbubulag bulagan ka kasi nakakulong ka pa rin sa alaala ng kahapon mo.

Ayaw mong palayain ang galit sa puso mo. I trusted Him all my life.

And he gave me the miracle of love.

He is always with me, Lucas. Alam kong nasa tabi mo lang siya palagi, tumutulong sa'yo."

Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. May nakapa siyang kilabot sa puso niya.

Matagal siyang nagalit sa diyos.

Naaalala pa niya nang halos isumpa niya ang diyos habang nasa loob siya ng simbahan.

Namalayan na lang niyang nakalipat na ito sa harap niya at hawak na niyo ang isang kamay niya.

"Just open your eyes, your ears and your heart, Lucas," sabi nito kasabay ng pagtulo ng mga luha nito.

Nagsusumamo ang mga mata nito. "At makikita at mararamdaman mo ang
ang kaligayahang hinahanap mo."

Tinugon niya ng mas mahigpit na paggagap ang paghawak nito sa kamay niya. Matagal niyang hinintay na muling maramdaman ang haplos nito.

Hindi na niya napigilan ang sarili. Niyakap niya ito nang mahigpit. Matagal sila sa gaanong ayos habang pareho silang lumuluha.

Nakasilip si Maxine sa pinto ng hospital room ni Sr. Hannah.

Nagdudulot ng matinding sakit sa puso niya ang makitang kayakap nito ang kanyang nobyo.

Lalong sumidhi ang hinalang mahal pa rin ito ni Lucas at siya ay ginawa lang nitong panakip butas para makalimot.

Hindi na niya kayang saksihan ang tagpong iyon kaya minabuti niyang magkulong sa research room.

Laking pasalamat niya at walang tao roon nang mga oras na iyon.

Nang mapaupo siya sa harap ng computer ay naisipan niyang buksan ang friendster account niua at tingnan ang profile ni Lucas.

Baka sakaling lumuwag ang pakiramdam niya kapag nakita niyang wala na roon ang mga litrato ni Hannah.

Na ang mga litrato na nila ni Lucas ang naroroon.

Pero lalong sumama ang loob niya nang makitang hindi nagbago ang mga litratong nakalagay sa profile nito kahit nag update na ito ng profile.

Noon pa lang niya nagawang pakawalan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala mula sa mga mata niya.

Walang nagbago kay Lucas. Isang babae pa rin ang nasa puso nito.

At hindi siya iyon kundi si Hannah.

Pumikit siya kasabay ng pagtulo ng mas masaganang luha.

End of chapter 17

Vote and Comment

Enjoy Reading

Hold My Hand, Cure My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon