At The House

7 0 0
                                    

12/02/16

Vote and Comment

Have Fun Reading :)

-----------------------------------------------------------------

Chapter Four At The House

Helen's POV

Nasa kusina na si Maxine at ang Mama helen niya.

Nakaupo siya sa harap ng mesa habang naghahain ito.

"Tumawag si Art," pagbabalita nito sa kanya.

"Hiwalay na pala sila ni Catherine,"

"Kaya may plano siyang bumalik sa akin, gano'n ba,' Ma?" nakakunot ang noong sabi niya.

Si Art ang ex-boyfriend niyang nahuli niyang nakikipagtalik sa dating bestfriend niya na si Catherine."

"Aba, ano'ng malay ko?" Umupo ito sa harap ng mesa. Nagsimula silang kumain.

"Malay mo naman kung nangunhumusta lang 'yong tao.

Ibang klase nga ang araw na ito, eh. Kaninang naggo-grocery ako, si Rd naman ang nakasalubong ko."

"Ayoko na silang pag-usapan, 'Ma." Si Rod naman ang first boyfriend niya na nagtanan kasama ang ibang babae.

Nagsandok siya ng gulay sa plato niya. "Tumawag nga pahumina ang boses nito nang mabanggit, ang papa niya.

Tiningnan niya ito. Total opposite niya ito dahil kung may pinagmanahan man siya ng pagiging seryoso niya, ang papa niya iyon.

Masayahing tao ang Mama niya. Palagi itong nakatawa. Umiyak din naman ito nang malaman nito na may kinakasama nang ibang babae sa Amerika lumipas ang dalawang buwan at nakabangon agad ito mula sa depresyon.

Inisip na lang nito na nandoon pa siya kaya wala itong dahilan para malungkot.

Hindi nakapagtatakang napanatili ng mama niya ang impresyon dito ng marami na nasa forties pa lang ito kahit nasa fifties na ang totoong edad nito.

Kikay rin kasi kung manamit ito, hindi kagaya niya. Hindi naman siya matatawag na "manang."

Wala lang siyang ganang mag-ayos ng sarili. "Magpapadala raw siya ng pera," anag mama niya.

"Sa susunod na tumawag siya, pakisabi sa kanya na nagsasayang lang siya ng panahon," sabi niya.

"Ibabalik ko rin sa kanya ang pera kaya 'wag na siyang mag-abala." Maxine, ang papa mo pa rin ang nagpaaral sa 'yong Medisina," pagpapaalala nito sa kanya.

"Khit ano pa ang nagawa niyang kasalanan, malaki pa rin ang utang-na-loob mo sa kanya."

"Rsponsibilidad niya 'yon bilang ama," pangangatwiran  niya. Nawalan siya ng ganang kumain nang mapag-usapan nila ang Papa Norman niya.

"Kung naniningil sa kanya na babayaran ko siya." Nanubig ang mga mata niya. Masama ang loob niya sa kanyang ama.

"Ang taas ng tingin ko sa kanya," hindi napigilang sabi niya. "Niloko ako ng mga naging boyfriend ko pero hindi nagbago tingin ko sa kanya.

Ang sabi ko kasi, iba siya. Palagi ko pa ngang ipinagmamalaki sa mga kaibigan  ko na napakasuwere natin sa kanya.

'Tapos, ano'ng ginawa niya? Ipinagpalit niya tayo sa iba, 'Ma."

"Maxine, hindi 'yon sinasadya ng papa mo," pagtatakip pa rin ng mama niya sa papa niya.

"Nag-iisa sa Amerika, malungkot---"

And that justified his mistake?'Ma, bakit kayo ganyan?" aniya sa mataas na boses. "Niloko na nga kayo, may gana pa kayong ipagtanggol siya.

Nangako siya,'Ma. Ang sabi niya, kukunin niya tayo. Aayusin niya ang papeles natin para makapunta tayo ng Amerika. Pero binali niya ang pangakong'yon.

Ipinagpalit niya tayo sa iba!" Iyon lang at iniwan na niya ito. Lumabas siya ng bahay at naupo sa balkonahe.

Simple bungalow lang ang bahay nila. Pero masaya sila roon noong kasama pa nila ng mama niya ang papa niya at isang buong pamilya pa sila.

Ilang lalaki ang nanloko at nagpaiyak sa kanya, kasama ang papa niya.

Paano pa matututuhan ng puso niya na magtiwala uli sa mga lalaki? Nangako na siyang hindi na kilanman magpapaloko o magpapalamang sa isang lalaki.

End of Chapter Four

Vote and Comment

Have Fun reading :)

(ganda nung song hihi ) na miss ko na sila eh <3 gwapo at maganda.

Hold My Hand, Cure My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon