12|28|16
It's my day
Sorry busy guys hihi
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 16 Sister Hannah
Nang mga susumunid na araw ay pansamantalang nakalimutan ni Maxine ang mga bagay bagay na gumugulo sa isip niya dahil sa magandang samahan nila ni Lucas.
Napuno ng romance ang hospital dahil halos oras oras silang naglalambingan nito.
Madalas din silang kantahan ng mga romantic songs ng mg interns, tinutukso ng mga doctor, nurses, at maging ng mga pasyenteng.
Sila raw ang favorite couple ng YGH.
Everything seemed so perfect until that day came.
Kakatapos lang nila kumain sa cafeteria nang tumunog ang beeper nila kaya listo silang napasugod sa ER.
Naka assign sa ER ang team niya. Isang emergency case ang gumambala sa lahat nang may isinugod na madre sa emergency room.
Sa katunayan ay nakasuot pa ito ng abito. Hirap na hirap ito sa paghinga, pawisan, at unti unting napupuno ng rashes ang buong katawan.
Tumulong sila sa pag aasikaso sa madre.
Sa gitna ng pagkaabala nilang lahat ay napansin niyang natigilan si Lucas nang waring matitigan ang madre.
Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagguhit ng kirot sa mukha ni Lucas.
Nagpalipat lipat ang tingin niya rito at sa madreng may pamilyar na mukha, pero hindi niya maalala kung saan niya unang nakita.
Pilit pa ring inaalala niya kung saan niya unang nakita ang mukha ng madre nang biglang lumabas ng emergency room si Lucas.
Lucas!" tawag niya rito pero hindi siy pinansin nito. Nagtatakang inaagaw niya sa isang nurse ang patient's chart ng madre at noon niya nakit ang pangalan nito.
Sister Hannah Rodriguez.
Saka pa lang niya naalala kung saan niya unang nakita ang mukha ng madre sa friendster account ni Lucas.
Ito ang babaeng kasama nito sa litrato.
Ito si Hannah, ang ex girlfriend ng kanyang nobyo.
"How do you feel now, Sister?" nakangiting tanong ni Maxine kay Sr. Hannah pagkatapos niya itong bigyan ng IV push.
"I feel betyer, Doctor Kang," nakangiting sagot nito.
Humupa na ang Nang mga susumunid na araw reaction nito. Wala na itong masyadong rashes sa katawan.
Nakaupo ito sa hospital bed at nakasandal ang likod sa headboard.
May hawak na rosary ang isang kamay nito.
"Thanks to God and to you as well.
Ang gagaling ng doctor sa hospital na ito.
Masaya nga ako kapag naiisip kong muntik ko nang i manage ang hospital na ito."
Nakuha agad niya ay iyong ibig sabihin.
Ang tinutukoy siguro nito ay iyong dating plano nito at ni Lucas: ang pamahalaan ng mga ito sa YGH.
Napakislot siya sa susumunod na sinabi nito.
"How is he, Doctor Kang?"
Tiningnan niya ito. Hindi agad siya nakasagot.
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
FanfictionHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...